Advertisement

Responsive Advertisement

"KUNG HINDI VERIFIED ANG ACCOUNT MO, TANGGAL AGAD" TITO SOTTO NANAWAGAN NG ONE-ACCOUNT-PER-PERSON POLICY PARA MAISAWAN ANG BULLYING SA SOCIAL MEDIA

Sabado, Pebrero 7, 2026

 



Naniniwala si Senate President Tito Sotto na isa sa pinakamabisang paraan upang labanan ang trolls at organisadong pambu-bully sa social media ay ang pagkakaroon ng isang verified account lamang bawat indibidwal sa bawat platform. Ayon sa Senate President, lumalala ang problema ng pekeng balita at personal na atake dahil sa dami ng anonymous at dummy accounts.


Giit ni Sotto, kung malinaw ang identidad ng bawat gumagamit, mas magiging responsable ang mga tao sa kanilang mga sinasabi online. Kapag may pangalan at mukha ang bawat opinyon, nababawasan umano ang tapang ng paninira at kasinungalingan na karaniwang itinatago sa likod ng mga account.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento