Advertisement

Responsive Advertisement

"ANG MGA NAGSASABING MALI AKO, SILA YUNG MGA MAHIHINA ANG KUKUTI" TITO SOTTO PINANINDIGAN NA WALA SIYANG GINAWANG MALI SA PAGPUNA SA KORTE SUPREMA

Biyernes, Pebrero 6, 2026

 



Hindi napigilan ni Senate President Tito Sotto ang kanyang sarili matapos batikusin ng ilang supreme court justice ang kanyang pahayag laban sa desisyon ng Korte Suprema. Ayon kay Sotto, hindi mali ang magpahayag ng opinyon laban sa mga desisyon ng mga mahistrado lalo na kung may epekto umano ito sa kapangyarihan at tungkulin ng Kongreso.


Iginiit ni Sotto na maging ang mga dating Chief Justices ay nagpahayag din noon ng matitinding puna sa mga desisyon ng Korte Suprema, isang patunay, ayon sa kanya na hindi bawal ang magtanong o maglahad ng pananaw. Para kay Sotto, mas delikado ang katahimikan kapag may nakikitang posibleng pagkakamali kaysa sa hayagang pagtalakay rito.


Dagdag pa niya, ang paggalang sa Korte Suprema ay hindi nangangahulugang bulag na pagsang-ayon sa lahat ng desisyon nito. May espasyo umano ang kritisismo hangga’t ito’y nakabatay sa argumento at hindi sa personal na atake.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento