Advertisement

Responsive Advertisement

"WALANG KAPANGYARIHAN ANG PANGULO NA MANGHIMASOK NG PROSESO " ATTY. CLAIRE CASTRO IGINIIT HINDI KONTROLADO NI PANGULONG MARCOS ANG PAG-USAD NG KASO

Linggo, Disyembre 28, 2025

 




Matapang na dinepensahan ni Atty. Claire Castro, Palace Press Officer, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos mabatikos ang administrasyon dahil umano “mga maliliit na personalidad” lang ang nahuhuli habang ang mga congressman at si dating Speaker Martin Romualdez ay tila hindi pa naaabot ng batas.


“Bakit palaging si Pangulong Marcos ang sinisisi? May ICI, may Ombudsman, may DOJ. Kapag may nag-file ng complaint, trabaho na nila ang gumalaw.

Hindi pwedeng utusan ng Pangulo ang mga independent bodies dahil may rule of law tayo.” - Atty. Claire Castro


Ayon kay Castro, mali at hindi patas na ibinabato ang sisi kay Marcos. Ani niya, hindi hawak ng Pangulo ang buong proseso ng pagdakip, pag-aresto, o pagsasampa ng kaso sa mga sangkot sa flood control anomalies. May mga independent bodies at constitutional offices na siyang may tunay na kapangyarihan sa mga ganitong usapin.


Pinaliwanag ni Castro na sa oras na may pormal na complaint o reklamo na maisumite laban sa sinumang opisyal — congressman man o dating Speaker, awtomatikong tungkulin na iyon ng Ombudsman na imbestigahan.


Walang kapangyarihan si Marcos na manghimasok sa proseso, kaya’t maling sabihin na “ayaw” nitong ipahuli ang malalaking personalidad.


Sa gitna ng panawagang papanagutin ang malalaking personalidad sa likod ng flood control anomalies, iginiit ni Atty. Claire Castro na hindi si Pangulong Marcos ang humahawak ng kaso at dapat igalang ang proseso ng independent investigations.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento