Advertisement

Responsive Advertisement

"WE HAVE ALSO NOT YET SEEN OR RECEIVED A COPY" DOJ NILINAW WALA PANG KOPYA NG ICC ARREST WARRANT LABAN KAY SEN. BATO DELA ROSA

Linggo, Nobyembre 16, 2025

 



Sa gitna ng mga ulat tungkol sa umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi pa nila natatanggap o nakikita ang anumang opisyal na dokumento mula sa ICC.


Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, wala pa silang nakukuhang kopya ng naturang warrant at hindi pa ito beripikado.


“We have also not yet seen or received a copy of said arrest warrant. We shall provide further details as soon as it becomes available” - Atty. Polo Martinez, DOJ Spokesperson


Ang pahayag ay kasunod ng naunang panayam ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla sa dzRH Executive Session, kung saan sinabi nitong may inilabas nang warrant of arrest ang ICC laban kay Dela Rosa kaugnay ng mga alegasyong extrajudicial killings (EJK) sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.


Nilinaw ng DOJ na anumang aksyon o pahayag hinggil sa warrant ay kailangang manggaling mismo sa ICC, at hanggang sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na opisyal na komunikasyon. Dagdag pa ni Martinez, handa silang makipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Office of the Solicitor General (OSG) kung sakaling mapatunayan ang naturang dokumento.


Sa ngayon, nananatiling walang kumpirmadong warrant of arrest laban kay Senador Bato Dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC) ayon sa Department of Justice. Bagama’t may pahayag si Ombudsman Remulla na meron nang inilabas na warrant, hinihintay pa rin ng DOJ ang opisyal na dokumento bago maglabas ng pormal na tugon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento