Advertisement

Responsive Advertisement

"SIYA ANG PINAKA-KARAPAT-DAPAT, DISENTE AT MAY KARANASAN" MON TULFO SUPORTADO ANG PAGIGING PRESIDENTE NI TITO SOTTO KUNG SABAY NA MAGBIBITIW SINA MARCOS AT DUTERTE

Biyernes, Nobyembre 21, 2025

 



Inihayag ng beteranong kolumnista at broadcaster na si Ramon “Mon” Tulfo ang kanyang suporta sa ideya na italaga si Senate President Tito Sotto bilang pansamantalang pinuno ng bansa, sakaling magbitiw sa puwesto sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte.


Ayon kay Tulfo, si Sotto ay may kakayahan, karanasan, at integridad na kailangan upang mapanatili ang kaayusan at katiyakan sa gobyerno sa panahon ng pagbabago.


“Kung sabay silang magbitiw, si Tito Sotto ang pinaka-karapat-dapat. Matalino, disente, at may karanasan. He graduated pinakabata sa amin dahil dalawang beses siyang na-accelerate"  -Mon Tulfo


Ibinahagi rin ni Tulfo ang kanyang personal na karanasan bilang dating kamag-aral ni Sotto sa Colegio de San Juan de Letran, kung saan aniya ay namukod-tangi si Sotto sa talino at disiplina. Ayon pa sa kanya, hindi dapat maliitin si Sotto dahil lamang sa kanyang dating imahe bilang artista at host ng programang Iskul Bukol at Eat Bulaga!


Giit ni Tulfo, si Sotto ay may malawak na karanasan sa pamahalaan, bilang dating Senate President, vice mayor ng Quezon City, at mahigit tatlong dekadang mambabatas.


Dagdag pa niya, sa panahon ng krisis at kaguluhan sa politika, kailangan ng bansa ang pinuno na kalmado, marunong makinig, at may respeto sa proseso ng batas.


Ang pahayag ni Mon Tulfo ay muling nagbigay-liwanag sa pangalan ni Tito Sotto bilang isa sa mga respetadong lider na may kakayahang mamuno sa bansa nang walang bahid ng kontrobersiya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento