Advertisement

Responsive Advertisement

"SI PBBM LANG ANG MAY TAPANG NA IBINULGAR ANG KATOTOHANAN" PRO-MARCOS LOYALISTS SINISISI ANG ADMINISTRASYON NI DUTERTE NA NAGPALIKOD SA REBELASYON NI ZALDY CO

Biyernes, Nobyembre 14, 2025

 



Patuloy ang pag-init ng politika sa bansa matapos ang mga pasabog ni dating Congressman Zaldy Co hinggil sa ₱100 bilyong budget insertion scandal na idinadawit sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating Speaker Martin Romualdez.


Ngunit para sa mga Pro-Marcos loyalist, malinaw umano na may mas malalim na motibo sa likod ng mga rebelasyong itoat ang totoong nasa likod daw ng kaguluhan ay ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon sa mga tagasuporta ni Marcos, matagal nang umiiral ang korapsyon sa gobyerno, at hindi ito nagsimula sa kasalukuyang administrasyon. Ang ginagawa lamang umano ng Pangulo ay ilantad ang mga katiwaliang natuklasan niya upang makita ng sambayanan kung sino ang tunay na mga sangkot.


“Matagal nang bulok ang sistema, pero ngayon lang may lider na handang ilabas ang katotohanan kahit masaktan ang mga dating kaalyado” -Pro-Marcos supporter


Marami sa mga loyalist ni Marcos ang naniniwalang ang kampo ni dating Pangulong Duterte ang nasa likod ng mga pasabog ni Zaldy Co. Ayon sa kanila, ang mga rebelasyong ito ay sinadyang ilabas upang sirain ang imahe ni Marcos at pagdudahan ang kanyang liderato.


Dagdag pa nila, hindi malayong bahagi ito ng plano para maibalik ang impluwensya ng mga Duterte sa politika, lalo na matapos ang lumalaking agwat ng dalawang kampo sa mga nakaraang buwan.


Habang patuloy ang banggaan ng Marcos at Duterte camps, lalong nagiging kumplikado ang political landscape ng bansa. Sa panig ng mga Pro-Marcos loyalist, malinaw sa kanila na ang Pangulo ay biktima ng political sabotage, hindi ng sariling korapsyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento