Matapos maging laman ng social media dahil sa kanyang mga vlog na puno ng komentaryo sa politika, Anjo Yllana ay muling naging usap-usapan matapos nitong kumpirmahing seryoso siyang tumakbo bilang senador sa 2028 elections. Buo ang kanyang loob at tiwala na mananalo siya, at naniniwala siyang may maiaambag siya sa bansa bilang isang tapat na mambabatas.
Sa isang panayam, inihayag ni Anjo ang kanyang pagnanais na dalhin ang kanyang mga obserbasyon at karanasan sa politika sa mas mataas na antas. Ayon sa kanya, bilang isang political analyst at concerned citizen, matagal na niyang pinag-aaralan ang mga isyung panlipunan at naniniwala siyang handang-handa na siyang magsilbi sa bayan.
“In fact, kung mapapanood lately ‘yung mga video ko, fortune telling na ako. Nanghuhula na ako. Libreng hula. Eh, tumatama naman out of ten, nine ang tama,” saad ni Anjo habang tinutukoy ang kanyang mga viral TikTok commentaries tungkol sa isyung pampulitika.
Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging mapagbiro, seryoso si Anjo sa kanyang mensahe: gusto niyang magdala ng integridad sa Senado at wakasan ang korapsyon sa pamahalaan.
“Kapag nanalo akong senador, mababawasan ng isang magnanakaw. Madadagdagan ngayon ng isang honest na senador kung sakaling manalo ako,” matapang na pahayag ni Anjo.
Dagdag pa niya, ang kanyang pagiging artista at political commentator ay nagbigay sa kanya ng malalim na koneksyon sa ordinaryong mamamayan. Aniya, naiintindihan niya ang hinaing ng mga Pilipino dahil isa rin siyang simpleng tao na nakikita ang tunay na kalagayan ng bansa.
Ang kumpiyansang ipinapakita ni Anjo Yllana ay patunay ng kanyang hangaring magsilbi sa bayan nang may katapatan at prinsipyo. Bagama’t kilala siya sa larangan ng showbiz, pinatunayan niyang may puso rin siya para sa serbisyo publiko at may pangarap na baguhin ang imahe ng Senado.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento