Ayon sa beteranong mamamahayag na si Arnold Clavio, malaki ang posibilidad na Artificial Intelligence (AI) ang ginamit sa mga video na inilalabas ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa social media. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Clavio na napansin niya ang mga hindi pangkaraniwang galaw, boses, at facial expressions sa mga video ni Co, na tila hindi tugma sa natural na kilos ng tao.
“Naniniwala ako na gawa ito ng AI, hindi ganyan ang kanyang itsura. Simpleng diskarte lang ‘yan para hindi malaman ng mga awtoridad, partikular ng Interpol, ang totoong hitsura niya at maiwasan ang pag-aresto" - Arnold Clavio
Ipinaliwanag ni Clavio na kung totoo ang kanyang hinala, ito ay isang modernong taktika ng pagtakas, gamit ang teknolohiya upang linlangin ang mga naghahanap sa kanya. Ayon sa ulat, si Zaldy Co ay kabilang sa mga may arrest warrant kaugnay ng flood control scam at kasalukuyang hinahanap ng International Police (Interpol).
Dagdag pa ni Clavio, posibleng ginagamit ni Co ang mga naturang video upang siraan ang kasalukuyang administrasyon. Sa gitna ng isyu ng flood control anomaly at ng paghahanap ng Interpol kay Zaldy Co, lumalabas ngayon ang bagong anggulo, ang paggamit umano ng Artificial Intelligence upang itago ang kanyang pagkakakilanlan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento