Advertisement

Responsive Advertisement

"MARAMING MAGULANG ANG MAGAGALIT SA AKIN PERO HINDI OBLIGASYON NG ANAK ANG MAGULANG" SEN. RAFFY TULFO NAGBIGAY PAALALA SA MGA MAGULANG GINAGAWANG INVESTMENT ANG MGA ANAK

Lunes, Nobyembre 10, 2025

 



Isang matapang at diretsahang mensahe ang binitiwan ni Senador Raffy Tulfo patungkol sa isyu ng mga magulang na ginagawang “investment” ang kanilang mga anak matapos itong makapagtapos sa pag-aaral at magkaroon ng trabaho.


Sa kanyang panayam, ipinaliwanag ni Tulfo na responsibilidad ng mga magulang na pag-aralin ang kanilang mga anak, ngunit hindi obligasyon ng mga anak na ibalik ito bilang pinansyal na tulong kapag sila ay nagtagumpay na sa buhay.


Ayon kay Tulfo, maraming pamilya sa Pilipinas ang nagkakaroon ng tensyon at tampuhan dahil sa maling paniniwala na dapat ay suportahan ng anak ang kanyang mga magulang sa sandaling siya ay kumita na. Aniya, natural lamang ang magbalik ng tulong bilang respeto at pasasalamat, ngunit hindi ito dapat ipilit o ituring na utang na kailangang bayaran.


“Maraming magulang ang magagalit sa akin pero Hindi obligasyon ng anak ang magulang. Obligasyon ng magulang na pag-aralin ang anak, pero ‘yung anak, may sariling buhay at pangarap din,” -Sen. Raffy Tulfo


Pinaliwanag ni Tulfo na ang pagpapalaki at pagpapaaral sa anak ay hindi negosyo o puhunan na kailangang may balik. Ito ay tungkulin ng magulang bilang bahagi ng responsibilidad sa pagiging magulang.


Dagdag pa niya, ang tunay na pagmamahal ng magulang ay hindi naghihintay ng kapalit, at ang mga anak ay dapat ding bigyan ng kalayaang itaguyod ang sarili nilang pamilya sa hinaharap.


“Ang tunay na magulang, masaya kapag nakikita niyang maayos at masagana ang buhay ng kanyang anak kahit walang balik. Pero ang mabuting anak, marunong tumingin sa pinagmulan” dagdag nito.


Matapos lumabas ang pahayag ng senador, umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko. May mga sumang-ayon sa pananaw ni Tulfo, sinasabing dapat hindi pinipilit ang mga anak na magbigay dahil may kanya-kanya silang obligasyon. Subalit, may ilan din ang hindi sumang-ayon at nagsabing utang na loob pa rin ng anak na suklian ang sakripisyo ng magulang, lalo na kung hirap ang mga ito sa pagtanda.


Ang pahayag ni Senador Raffy Tulfo ay nagsilbing eye-opener sa maraming Pilipino, lalo na sa mga pamilyang may tensyon sa usaping pinansyal.Ang pagmamahal at respeto sa pagitan ng magulang at anak ay hindi nasusukat sa perang ibinabalik, kundi sa pagpapahalaga, malasakit, at pag-alala sa sakripisyo ng isa’t isa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento