Muling naging usap-usapan si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson matapos niyang maglabas ng pahayag na hindi siya kumakampi kay dating Pangulong Rodrigo Duterte o kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay Singson, ang tanging panig niya ay ang laban kontra korapsyon at pagmamahal sa Pilipinas.
Sa kanyang naging pahayag, sinabi ni Chavit, “I am not pro-Marcos or pro-Duterte. Ako ay anti-corruption. Mahal na mahal ko ang aking bansa.”
Binigyang-diin ng dating gobernador na matagal na siyang nagseserbisyo sa publiko, at sa kanyang karanasan, nakita niya kung gaano kalalim ang epekto ng katiwalian sa ekonomiya at sa mga karaniwang mamamayan.
Nilinaw ni Chavit na hindi niya layuning tirahin o kampihan ang sinuman. Para sa kanya, ang pagiging makabayan ay higit pa sa pagiging maka-partido.
“Ang gusto ko lang ay maayos na pamahalaan, walang kurapsyon, at patas para sa lahat. Hindi ko kailangang maging pro-Marcos o pro-Duterte para sabihing mahal ko ang Pilipinas,” aniya.
Ayon sa kanya, dapat magkaisa ang mga Pilipino sa laban kontra katiwalian, dahil ito ang ugat ng kahirapan sa bansa. “Kung mawawala ang korapsyon, aangat ang buhay ng bawat Pilipino,” dagdag pa ng dating gobernador.
Pagkatapos lumabas ang pahayag ni Singson, nahati ang opinyon ng publiko.
Marami ang sumuporta sa kanya, sinasabing totoo ang kanyang malasakit sa bayan at dapat siyang purihin sa paninindigang laban sa katiwalian.
Ngunit may ilan ding nagpuna at bumatikos sa dating gobernador, sinasabing wala siyang moral authority para magsalita laban sa korapsyon.
Ang pahayag ni Chavit Singson ay nagbukas ng panibagong diskusyon tungkol sa politika, prinsipyo, at tunay na pagmamahal sa bayan. Habang may mga sumusuporta sa kanyang paninindigan laban sa korapsyon, hindi rin maiiwasan ang mga batikos mula sa mga nagdududa sa kanyang nakaraan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento