Advertisement

Responsive Advertisement

"HE IS MY FRATERNITY BROTHER WAY BACK PERO WALANG KAPATIRAN PAG DATING SA BATAS" OMBUDSMAN REMULLA INAMIN NA FRATERNITY BROTHER SI MARTIN ROMUALDEZ

Linggo, Nobyembre 23, 2025

 



Sa isang forum na inorganisa ng University of the Philippines College of Law sa Bonifacio Global City, inamin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na si dating House Speaker Martin Romualdez ay kanyang fraternity brother, ngunit iginiit niyang walang sinasanto ang batas. Ayon kay Remulla, patuloy na pinag-aaralan ng kanyang tanggapan ang mga ebidensiyang kaugnay sa umano’y korapsyon sa mga flood control projects, kung saan nasasangkot si Romualdez at ilang opisyal ng pamahalaan.


“Apatnapung araw na naming pinag-aaralan ang kaso ni Martin Romualdez. Oo, fraternity brother ko siya pero hindi siya kailanman nakipag-usap tungkol sa pera, at hindi iyon magiging dahilan para hindi gumalaw ang batas.” - Ombudsman Jesus Crispin Remulla


Kinumpirma ni Remulla na inaasahan nilang magsasampa ng kaso sa loob ng anim hanggang siyam na buwan laban kay Romualdez at sa iba pang personalidad na sangkot sa kontrobersiyang ito. Dagdag pa niya, malalim at masinsinan ang ginagawang fact-finding at evidence validation upang masiguro na matibay ang kaso bago ito isampa.


Sa kabila ng personal na ugnayan, ipinakita ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi siya magpapatinag sa kanyang tungkulin bilang tagapagtanggol ng batas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento