Advertisement

Responsive Advertisement

"BAWAL ARESTOHIN SI SEN. BATO DELA ROSA SA LOOB NG SENADO” SENATE PRESIDENT SOTTO IPINAGTANGGOL DIGNIDAD NG SENADO, BINIGYAN NG SENATE IMMUNITY

Lunes, Nobyembre 10, 2025

 



Mariing iginiit ni Senate President Tito Sotto na hindi maaaring arestuhin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa loob ng gusali ng Senado, kahit pa may inilabas nang warrant of arrest laban sa kanya ang International Criminal Court (ICC).


“I am not privy to the warrant being issued. But as I have said in the past and in consultation with some members of the Senate to preserve the dignity of the Senate, and as a matter of institutional courtesy, we cannot allow any senator to be arrested in the Senate premises” -Senate President Tito Sotto


Ayon kay Sotto, ang ganitong polisiya ay hindi lamang para kay Senador Bato, kundi para sa lahat ng miyembro ng Mataas na Kapulungan upang mapanatili ang dignidad at awtonomiya ng Senado bilang isang institusyon ng pamahalaan.


Sa isang pahayag sa media, nilinaw ni Senate President Tito Sotto na ang Senado ay may sariling protocol na nagpoprotekta sa kanilang mga miyembro laban sa agarang pag-aresto habang sila ay nasa loob ng kanilang opisyal na nasasakupan.


Ipinaliwanag din ni Sotto na ang hakbang na ito ay hindi nangangahulugang pinoprotektahan nila ang krimen, kundi isang karapatan sa ilalim ng parliamentary immunity, na matagal nang kinikilala upang maiwasan ang pang-aabuso o panggigipit sa mga mambabatas.


Ang pahayag ni Sotto ay kasunod ng rebelasyong inilabas ni Ombudsman Boying Remulla, na nagsabing naglabas na ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Dela Rosa kaugnay ng war on drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Bagaman hindi kasapi ng ICC ang Pilipinas mula pa noong 2019, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng korte laban sa mga opisyal na sangkot sa kampanya kontra droga, kabilang si Dela Rosa bilang dating hepe ng Philippine National Police (PNP).


Ang posisyon ni Senate President Tito Sotto ay malinaw ang Senado ay may sariling dangal at kapangyarihan na hindi maaaring bastang yurakan ng kahit anong banyagang korte, kabilang na ang ICC. Gayunpaman, nananatiling mainit na usapin kung hanggang saan ang saklaw ng immunity ng mga opisyal kapag isinasangkot sila sa mga internasyonal na kaso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento