Advertisement

Responsive Advertisement

"ANG HILING KO LANG HUWAG DAYAIN ANG PROSESO PARA MAPAKULONG LANG AKO" DATING SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ UMAASA SA MAKATARUNGANG IMBESTIGASYON NG OMBUDSMAN

Linggo, Nobyembre 23, 2025

 



Matapos irekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagsasampa ng kaso ng plunder, graft, at bribery laban kay dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sinabi nitong handa siyang harapin ang imbestigasyon at malinaw ang kanyang konsensya. Ayon kay Romualdez, boluntaryo siyang humarap sa mga imbestigador upang ipakita ang kanyang kooperasyon at paninindigan sa katotohanan.


“Wala akong tinatago at wala akong takot. Hinarap ko ang mga imbestigador dahil gusto kong ipakita na malinis ang konsensya ko. Ang hiling ko lang huwag sanang dayain ang imbestigasyon para lang mapakulong ako sa krimeng hindi ko ginawa.” - Martin Romualdez


Sa isang video message mula sa Presidential Communications Office, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipinag-utos na niya ang pagsasalin ng lahat ng ebidensya sa Office of the Ombudsman. Ayon sa Pangulo, tanging ang Ombudsman ang may kapangyarihang magsuri at magpasya kung may sapat na basehan para sampahan si Romualdez at iba pang sangkot.


Nanawagan si Romualdez sa Ombudsman na pairalin ang patas na proseso at huwag hayaang madungisan ang imbestigasyon ng pulitika o personal na interes. Aniya, naniniwala siya sa integridad ng batas at umaasang ang katotohanan ay lalabas sa tamang panahon.


Sa kabila ng mabigat na alegasyon, mananatiling kampante si Martin Romualdez na ang katotohanan at hustisya ang mananaig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento