Advertisement

Responsive Advertisement

“HANGGA’T MAY HININGA, LALABAN AKO PARA SA HUSTISYA” OMBUDSMAN BOYING REMULLA ISINAPUBLIKO ANG KANYANG SAKIT NA LEUKEMIA

Linggo, Oktubre 26, 2025

 



Isang balita ang gumulat sa publiko matapos isiniwalat ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na siya ay may sakit na leukemia. Sa kabila ng kanyang kalagayan, nanatiling matatag at determinado si Remulla na tapusin ang kanyang tungkulin bilang tagapagtanggol ng katarungan partikular na ang pagsisiyasat sa nawawalang ₱3 trilyong pondo ng bayan.


Ayon kay Remulla, bagaman humaharap siya ngayon sa pinakamalaking laban ng kanyang buhay, ang laban para sa katotohanan at hustisya ng sambayanang Pilipino ay hindi niya tatalikuran.


“Bago ako mawalan ng hininga, ang hiling ko lang ay makamit ng bayan ang hustisya sa nawawalang ₱3 trilyon. Kailangan managot ang mga sangkot. Hindi pwedeng manatiling tahimik o takot habang ninanakawan ang taong bayan,” - Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla


“Hindi ko alam kung gaano pa kahaba ang panahon ko sa mundo, pero malinaw sa akin ang gusto kong iwan isang gobyernong hindi natatakot sa katotohanan. Ang pera ng bayan ay sagrado; dugo at pawis ng mamamayan ‘yan. Kapag ninakaw mo ‘yan, para mo na ring ninakawan ng kinabukasan ang mga anak natin. Hangga’t may hininga ako, mananagot ang dapat managot.” dagdag nito


Ibinahagi rin ng Ombudsman na hindi siya natatakot sa kanyang sakit, kundi mas natatakot siyang mamatay nang walang nagbago sa sistemang bumubulok sa gobyerno.


Ang pag-amin ni Ombudsman Boying Remulla sa kanyang sakit ay hindi simbolo ng kahinaan, kundi ng katapangan at malasakit sa bayan. Sa halip na magpahinga, pinili niyang gamitin ang kanyang natitirang lakas upang ipaglaban ang katotohanan at hustisya para sa mamamayang Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento