Advertisement

Responsive Advertisement

SARAH DISCAYA, IPINAGTANGGOL ANG BILYON-BILYON YAMAN: "THE VIDEO IS EDITED, WE ALREADY 23 YEARS IN CONSTRUCTION BUSINESS, THE VIDEO IS EDITED"

Lunes, Setyembre 1, 2025

 



Mainit na usapin sa Senado ang isinagawang pagdinig hinggil sa maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Isa sa mga dumalo at sumagot sa mga tanong ng mga senador ay ang kontrobersyal na contractor na si Sarah Discaya.


Sa pagtatanong ni Senador Tito Sotto, nilinaw ni Discaya ang isang isyu na kumalat sa social media matapos ang isang video interview. Ayon sa kanya, ang lumabas na clip kung saan tila sinabi niyang sa DPWH sila kumita ng bilyon-bilyon ay “edited” o pinutol at iniba ang konteksto ng kanyang sagot.


Aniya, bago pa man sila pumasok sa mga proyekto ng DPWH, matagal na silang nasa local government projects at may mga private contracts na.


“When I said DPWH, because prior to that we were in local government… They spliced the video that was taken of me and just mentioned the DPWH,” paliwanag niya.


Tinanong siya ni Sotto kung ibig bang sabihin ay mismong television station o mga nag-interview sa kanya ang nag-edit ng kanyang sagot.


“I think so, Sir, kasi I did mention that I was doing local government as well as private po,” tugon ni Discaya.


Iginiit din ni Discaya na hindi bago ang kanilang yaman, dahil halos dalawang dekada’t tatlong taon (23 years) na silang nasa construction industry.


“We have been in the construction business for 23 years… and we presume that in the 23 years, puwede naman po siguro kaming kumita,” sagot pa niya.


Dagdag niya, mali raw ang pinalabas ng video dahil tila ipinakita lamang na ang DPWH ang naging ugat ng kanilang yaman, samantalang matagal na silang contractor bago pa iyon.


“They spliced the video that was taken of me and just mentioned the DPWH. Contractor na po kami for 23 years,” dagdag niya.


Sa gitna ng mga imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects, nanindigan si Sarah Discaya na hindi patas ang lumabas na edited video na nagpakita na tila DPWH lang ang pinagmulan ng kanilang yaman. Ipinunto niya na mahigit dalawang dekada na silang contractor, kaya’t natural lamang na nakapag-ipon sila ng yaman sa mahabang panahon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento