Handa na raw sa panibagong transformation ang internet personality na si Xander Ford, ayon sa anunsyo ng kanyang celebrity doctor na si Doc Yappy, na siya ring responsable sa unang malaking makeover ni Xander ilang taon na ang nakalipas.
“Kaabang-abang ang V2.0! Excited na akong ipakita sa inyo ang mas magandang bersyon ng sarili ko. Hindi lang ito tungkol sa hitsura, kundi sa bagong simula at mas positibong pananaw sa buhay.” -Xander Ford
Kung matatandaan, naging matunog ang pangalan ni Xander Ford matapos siyang sumailalim sa cosmetic surgery na lubos na nagbago sa kanyang pisikal na itsura. Mula noon, naging kontrobersyal at usap-usapan ang kanyang pangalan ngunit ngayon, tila mas malaki at mas bonggang pagbabago ang inaasahan ng publiko.
Ayon kay Doc Yappy, mas pinaganda at pinaayos ang mga detalye ng transformation na ito, at tinawag pa itong “Xander Ford V2.0”. Bagama’t wala pang ibinibigay na buong detalye tungkol sa eksaktong procedures, sigurado raw na mas magiging kapansin-pansin at kaabang-abang ang bagong bersyon ni Xander.
Para naman kay Xander, ang panibagong makeover ay hindi lamang tungkol sa pisikal na hitsura kundi sa kanyang personal na pagbabago at pagbabalik-loob sa mas positibong pananaw sa buhay.
Muling pinatunayan ni Xander Ford na handa siyang yakapin ang pagbabago, hindi lamang para sa kanyang career kundi para sa kanyang personal na pag-unlad. Ang kanyang “V2.0 transformation” ay hindi lang simpleng makeover, kundi isang simbolo ng pagbibigay ng bagong pagkakataon sa sarili. Sa tulong ni Doc Yappy, muli na namang magiging usap-usapan ang pangalan ni Xander Ford at tiyak na abangan ng publiko ang resulta ng kanyang bagong anyo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento