Hindi lang talento sa pag-arte at pagkanta ang ipinapakita ni Manilyn Reynes, kundi pati na rin ang kanyang disiplina at determinasyon sa pagpapanatili ng kalusugan. Ibinahagi ng aktres-singer ang kanyang matagumpay na weight loss journey kung saan nabawasan siya ng 30 pounds sa loob ng halos isang taon.
“Nagpapayat ako hindi dahil sa hinihingal ako. Parang nararamdaman ko lang na iba na ang stamina ko, lalo na kapag nagbo-boxing ako. Thirty pounds ang nabawas, at sobrang worth it ang journey na ‘to.” -Manilyn Reynes
Sa panayam ng Cabinet Files nitong Agosto 13, 2025, nakangiting sagot ni Manilyn ang salitang “Thirty pounds” nang tanungin kung gaano kalaki ang naibawas sa kanyang timbang. Ayon sa kanya, hindi siya nagdesisyong magpapayat dahil sa pagiging hingalin, kundi dahil naramdaman niyang nag-iiba na ang kanyang stamina, lalo na kapag nagbo-boxing siya.
Ikinuwento rin ni Manilyn na dumaan siya sa proseso ng tamang pagkain at masusing pangangalaga sa katawan upang makamit ang resulta. Bagama’t halos isang taon bago niya makita ang malaking pagbabago, sulit daw ang lahat ng kanyang pagpupursigi.
Bukod sa pagiging mas fit, napansin din ang kanyang malaking physical transformation nawala ang kanyang double chin, lumiit ang mukha, at higit pa sa lahat, lalo raw siyang bumata ang itsura. Dahil dito, marami ang humahanga at nakikitang inspirasyon si Manilyn sa mga nais ding magbawas ng timbang.
Ang kwento ni Manilyn Reynes ay isang paalala na ang pagpapayat ay hindi lamang tungkol sa itsura, kundi higit sa lahat ay tungkol sa kalusugan at stamina. Sa kanyang dedikasyon at disiplina, ipinakita niyang posible ang makamit ang mas malusog na katawan at mas magandang pakiramdam. Para sa maraming Pilipino, si Manilyn ay nagsisilbing living proof na ang tamang proseso at tiyaga ay nagbubunga ng positibong pagbabago.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento