Hindi napigilan ni Kapuso actress at TV host Shaira Diaz ang kanyang emosyon matapos sukatin ang kanyang kasal gown sa unang pagkakataon. Sa isang black-and-white video na in-upload niya sa Instagram, makikita siyang naiiyak habang nakasuot ng isang eleganteng custom-made wedding gown galing mismo sa Gangnam, South Korea.
“Ayun na nga. Hindi ko na pinansin ang pamahiin. Mas mahalaga sa’kin na naramdaman kong totoo at espesyal ang moment na ‘yon. Isa ‘yun sa mga di ko malilimutan habang buhay.” -Shaira
“It’s so beautiful,” sambit ni Shaira habang pinapakita ang kanyang gown na disenyo ni Choi Jae Hoon, isang kilalang Korean fashion designer.
Ang nasabing gown ay isinukat pa niya nang personal sa atelier ni Choi, bilang paghahanda sa nalalapit na kasal nila ni Edgar Allan Guzman.
Bagamat maraming netizen ang bumati at naantig sa kanyang video, hindi rin nawala ang mga nagkomento na ayon sa pamahiin ay "malas" daw ang pagsusuot ng kasal gown bago ang mismong araw ng kasal.
Ngunit sa halip na maapektuhan, cool lang ang sagot ni Shaira:
“Ayun na nga,” tugon niya sa isang comment, na tila sinasabi na hindi siya naniniwala sa mga ganitong paniniwala.
Marami rin ang nagtanggol sa kanya. May isang netizen na nagsabing,
“Ako nga 5x isinukat gown ko!”
Habang ang isa pa ay nagkomento,
“Mas malas kung hindi maganda ang fit ng gown sa bride.”
Ang desisyong sukatin ang kanyang wedding gown bago ang kasal ay hindi hadlang para kay Shaira Diaz na ipagdiwang ang isang espesyal na sandali sa kanyang buhay. Sa halip na magpadala sa takot ng pamahiin, pinili niyang damhin ang tunay na saya isang paalala sa lahat ng bride-to-be na walang masama sa pagiging handa at masaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento