Advertisement

Responsive Advertisement

EPY QUIZON, NAGPAPASALAMAT SA PAMANA NI DOLPHY: ‘HANGGANG NGAYON, MAY ALLOWANCE PA RIN KAMI’

Sabado, Agosto 2, 2025

 



Kahit ilang taon na ang lumipas mula nang pumanaw ang “Comedy King” na si Dolphy, nananatiling buhay at nararamdaman ang kanyang kabutihan sa mga iniwang mahal sa buhay lalo na sa kanyang mga anak. Sa panayam ni Epy Quizon kay Julius Babao sa YouTube, ibinahagi ng aktor na siya at ang kanyang mga kapatid ay patuloy pa ring tumatanggap ng bahagi mula sa mga negosyo na iniwan ng kanilang ama.


“’Ang yayaman ng mga Quizon! Bilyonaryo!’ Sabi nila. Pero hindi po gano’n. Bente rin po kaming magkakapatid. Disiotso na lang ngayon. Yung shares, hati-hati po talaga. Ang nakukuha namin ay royalty, parang allowance,” ani Epy.


Ayon kay Epy, malinaw na pinaghandaan ng kanilang ama ang hinaharap ng pamilya. Ang sistema raw ng mga negosyo ay nakatuon hindi lamang para sa kanila kundi pati na rin sa mga magiging apo sa tuhod ni Dolphy. Dahil dito, hindi lang basta isang pamana ng yaman ang iniwan ng Comedy King—kundi isang maayos na plano para sa kinabukasan ng kanilang angkan.


“It’s designed in a way na ‘yung apo apo sa tuhod ng tatay ko ay makikinabang,” dagdag niya.


Hindi rin nakalimutang purihin ni Epy ang kanyang kapatid na si Eric Quizon, na siyang gumabay sa pagpapatakbo ng negosyo at pamana ng kanilang ama.


“I’ll give my hats off to my brother Eric for pushing the boundaries in what we can do,” sabi ni Epy.


Ang kwento ni Epy Quizon ay isang paalala na ang tunay na pamana ay hindi nasusukat sa dami ng salapi, kundi sa tibay ng pagpaplano at pagmamahal sa pamilya. Si Dolphy, sa kabila ng kanyang kasikatan, ay nanatiling responsable at mapagmahal na ama at ito ang bunga ng kanyang pagsusumikap.


Sa panahong maraming pamilya ang nasisira dahil sa mana, nakaka-inspire malaman na ang pamilyang Quizon ay nananatiling buo at may sistema na gumagalang sa bawat miyembro. Isa itong kwento ng kabutihang hindi pa rin nauubos, gaya ng mga halakhak na minsang inalay ng Comedy King sa buong sambayanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento