Isang prangkang pahayag mula kay Pokwang ang muling nagpaalala sa publiko kung gaano kahalaga ang pagpapakatotoo at pagiging praktikal sa panahon ngayon. Sa halip na dumalo sa magarbong GMA Gala, mas pinili ng komedyante at negosyanteng si Pokwang na magluto ng kanyang gourmet paninda upang matugunan ang deadline ng bulk orders.
"Mas pipiliin ko pang masaktan sa mantika ng pinirito kong gourmet kaysa sa mga salita ng taong walang ambag sa buhay ko," ani Pokwang.
Sa kanyang social media post, isiniwalat ni Pokwang ang kanyang desisyon na hindi dumalo sa nasabing event. Aniya, “Attend ka ng GALA, gagastos ka, e-effort ka, tapos lalaitin ka pa ng tao. Hahahaha! Edi magluto na lang ng paninda.”
Marami ang nakarelate sa kanyang mensahe lalo na sa mga working moms at negosyante—na mas pinipiling pagtuunan ng pansin ang kabuhayan kaysa sa sosyal na pagdalo na kadalasang nauuwi pa sa panghuhusga ng iba.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita ni Pokwang ang kanyang pagiging matatag, praktikal, at grounded sa buhay. Sa kabila ng kanyang pagiging celebrity, nananatili siyang tapat sa kanyang responsibilidad bilang negosyante at ina.
Sa gitna ng ingay ng showbiz, isang mensahe ang naging malinaw mula kay Pokwang: mas mahalaga ang responsibilidad, dignidad, at kabuhayan kaysa sa impresyon ng iba. Ang kanyang desisyon ay paalala sa ating lahat na hindi kailangang patunayan ang sarili sa mga taong ang alam lang ay humusga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento