Hindi na nakapigil si Eric “Eruption” Tai, dating host ng It’s Showtime at kilalang fitness content creator, sa sunod-sunod na pambabastos at body shaming sa kanyang asawa, si Rona Samson-Tai. Sa isang matapang ngunit emosyonal na Facebook post, sinagot ni Eruption ang mga netizen na nagbitiw ng masasakit na salita, kabilang ang:
“Ang taba mo na.”
“Isama mo sa gym ang asawa mo.”
“Mukha na siyang baboy.”
Sa post, ibinahagi ni Eruption ang masalimuot na pinagdaanan ni Rona mula sa apat na knee surgeries dahil sa snowboarding accident, dalawang miscarriage, at isang malapit sa kamatayang panganganak kung saan halos mawala ang kanyang buhay.
Ayon kay Eruption:
“I almost lost my wife on the very day we became parents. That kind of trauma doesn’t just go away.”
“You may see extra weight, but I see extraordinary strength,” ani Eruption.
“Behind every scar is a survival.”
Sinabi rin niyang matapos mawalan ng parehong fallopian tubes at isang obaryo, pinanghinaan na sila ng pag-asa na magkakaroon ng anak. Pero sa tulong ng isang “one-shot IVF miracle,” isinilang si Legend, ang kanilang anak isang simbolo ng panibagong buhay.
Bukod pa sa mga medikal na isyu, nabanggit din ni Eruption ang matinding emotional toll ng pagkawala ng kanilang tatlong alagang aso: sina Lilo, Tyger, at Nalah.
“So yes, her body changed. Because her life changed. Because her heart broke again and again, while she kept showing up, surviving, loving, and mothering,” aniya.
Sa panahon ng social media kung saan mabilis tayong humusga, sana'y maging tulad tayo ni Eruption tapat, mapagmahal, at matapang sa pagtindig para sa mga mahal natin sa buhay. Dahil sa huli, ang tunay na ganda ay hindi lang nakikita ito'y nararamdaman sa puso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento