Advertisement

Responsive Advertisement

AFTER 28 YEARS, SAKA LANG TUMAMA: LALAKI SA QC WAGI SA LOTTO NG ₱57 MILYON, "PANALANGIN ITO NG PAMILYA KO”

Linggo, Agosto 3, 2025

 



Isang lalaki mula sa Quezon City ang tumataya na sa lotto mula pa noong 1997 at ngayong 2025, nakuha na rin niya ang kanyang pinakamalaking panalo sa buhay: jackpot na ₱57,030,072 mula sa Mega Lotto 6/45!


Ayon sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang pinalad na bettor ang nag-iisang tumama sa winning combination na 06-41-29-12-02-15 na binola noong Enero 1, 2025. Pero ang nakakagulat Hulyo 16 lang niya kinubra ang kanyang premyo.


“May ilang ticket na tumama ng tatlong numero. Pero nang makita ko itong isa, agad kong nakilala ang mga numero. Nanahimik muna ako sandali, tapos double check ko online, at literal na nanginig ang kamay ko nang marealize kong ako talaga ang tumama sa winning combination.” -Lotto Winner


Dahil hindi raw siya sanay mag-check ng resulta agad, inipon lang niya ang mga ticket sa kanyang bag, at nang maalala niyang silipin ito, nagulantang siya sa resulta.


Ang kanyang winning ticket ay galing pa sa Lucky Pick—ibig sabihin ay hindi niya mano-manong pinili ang mga numero.


Ang kwento ng lalaking ito ay paalala sa ating lahat na ang sipag at tiwala ay kadalasang ginagantimpalaan kahit gaano pa katagal. Sa loob ng 28 taon, hindi siya nawalan ng pag-asa, at sa huli, dumating din ang himala.


Hindi man ito garantiya na lahat ng tumataya ay mananalo, pero ang disiplina sa panalangin at pananampalataya ay may gantimpala sa tamang panahon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento