Isang malaking pagbabago sa mundo ng endorsements ang naganap kamakailan matapos kumpirmahin ng isang kilalang fast food chain na si Daniel Padilla ay hindi na bahagi ng kanilang pinakabagong kampanya. Sa halip, isang fresh face mula sa reality show na Pinoy Big Brother, si Emilio Daez, ang bagong itinalagang endorser ng nasabing brand.
“Hindi ko po inakala na magiging bahagi ako ng isang napakalaking brand. Isa po talaga itong dream come true. Maraming salamat sa tiwala at pagmamahal.” -Emilio Daez
Ayon sa isang executive ng kumpanya, si DJ at ang kanyang dating kasintahan na si Kathryn Bernardo ay nananatiling franchise co-owners sa Tacloban, ngunit tanging si Kath na lamang ang aktibong endorser sa ngayon.
Hindi man siya ang naging grand winner ng PBB, si Emilio ay tuloy-tuloy ang pag-angat sa showbiz. Bukod sa endorsement deal, abala rin siya sa mga upcoming projects tulad ng “Love at First Spike” at ang PBB Collove Fan Concert. Kaya naman hindi maikakaila na patuloy siyang kinikilala sa industriya.
Sa kanyang pahayag, hindi maitago ni Emilio ang kasiyahan sa bagong oportunidad:
"Well of course, I’m very humbled and shocked na pinili po ako. Kasi, it’s a dream partnership for me. So, it was really exciting and big blessing po talaga." -Emilio Daez
Tinagurian siyang “boy-next-door” ng fans at netizens dahil sa kanyang simpleng anyo at charm. Ayon kay Emilio:
“Of course, I’m humbled that they call me that and honestly, I’m very thankful na pinag-uusapan nila ko and I’m honored to be associated with that.”
Tungkol naman sa patuloy na pagkukumpara sa kanyang kapatid na si Mikael Daez, positibo ang kanyang pananaw:
“Idol ko po talaga si Kuya Mikael. Ang bilin niya sa akin, simple lang, maging mabait sa lahat.”
Ang kwento ni Emilio Daez ay patunay na kahit hindi ka manalo sa simula, basta’t may sipag, tamang asal, at positibong pananaw, may darating na mas magandang oportunidad. Mula sa pagiging housemate, ngayon ay isa na siyang kinikilala bilang bagong endorser ng isa sa pinakasikat na fast food chains sa bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento