Sa kabila ng edad at panganib, walang kapaguran sa pagkayod si Lolo Rodulfo, 77-anyos mula sa Novaliches, Quezon City. Sa panahon ng malalakas na ulan, baha, at malamig na simoy ng hangin, makikita si Lolo Rodulfo bitbit ang kanyang panindang kakanin, nanginginig sa lamig, pero matatag sa kanyang layunin makakain sa araw-araw.
“Hindi ko po ikinahihiya ang kalagayan ko. Mas mahalaga po na kahit matanda na ako, gumagawa pa rin ako ng paraan para mabuhay. Kung pagod na kayo sa buhay, isipin niyo na lang na may mas pagod pa sa inyo gaya ko… pero lumalaban pa rin.” -Lolo Rodulfo
Kumalat sa social media ang isang larawan ni Lolo Rodulfo habang naglalako sa gitna ng baha. Ang kanyang payong ay hindi sapat panangga sa ulan, at ang kanyang katawan ay halos nababasa na. Ngunit sa halip na sumuko, tuloy pa rin siya sa pagtitinda. Hindi siya nagpapigil sa unos ng panahon dahil ayon sa kanya, "Wala naman po akong ibang aasahan kundi ang sarili ko. Kung hindi ako kikilos, sino pa?"
Ang kwento ni Lolo Rodulfo ay isang paalala para sa ating lahat hindi hadlang ang edad, lungkot, o kalagayan para itigil ang laban sa buhay. Sa kabila ng kanyang edad at kawalan ng suporta, pinipilit niyang magpatuloy para mabuhay nang marangal. Sana’y magsilbi itong inspirasyon sa bawat isa sa atin: kapag tayo ay pagod na, alalahanin natin si Lolo Rodulfo na kahit mag-isa, lumalaban pa rin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento