Hindi lang sa loob ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition pinahanga ni Mika Salamanca ang publiko. Sa labas ng Bahay ni Kuya, mas lalo pa siyang minahal ng kanyang mga tagasuporta matapos ibigay ang buong ₱1 milyon niyang premyo sa isang orphanage sa Pampanga.
“Mas masaya po ako na makita ang mga ngiti ng bata at matatanda kaysa sa bumili ng kahit anong bagay para sa sarili ko. Yung premyo, bonus lang. Pero ang makapagbigay ng pagmamahal at tulong yun po talaga ang totoong panalo.” -Mika Salamanca
Ibinahagi ng GMA Sparkle Artist Center noong Sabado, Hulyo 12, ang ilang larawan ni Mika habang nakikipagkuwentuhan at nagbibigay ng saya sa mga lola sa isang elderly community. Ngunit mas lalong napahanga ang netizens nang malamang donated na pala ni Mika ang buong premyo sa Duyan ni Maria orphanage.
“After donating her entire ₱1M prize to ‘Duyan ni Maria’ orphanage, #PBBCelebrityCollabEdition Big Winner Mika Salamanca continued her outreach by visiting a community of elderly residents to extend her gratitude and compassion,” ayon sa pahayag ng Sparkle.
Ayon kay Mika, malapit sa puso niya ang mga bata at matatanda:
“Maraming bata at matatanda na walang kakayahang makabili ng mga basic needs nila. Kaya kahit paano, gusto ko pong makatulong. Hindi lang po ito tungkol sa prize money, kundi tungkol sa pagmamahal.”
Matatandaang si Mika at si Brent Manalo ang itinanghal na Big Winners sa Celebrity Collab Edition ng PBB.
Ang kwento ni Mika Salamanca ay isang inspirasyon sa lahat, lalo na sa mga kabataan. Ipinakita niya na hindi lamang sa pagwawagi nasusukat ang tagumpay, kundi sa kakayahang magbahagi kahit wala kang hinihintay na kapalit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento