Advertisement

Responsive Advertisement

BIANCA DE VERA, ISANG MATAMIS NA “YES” ANG IBINIGAY KAY DUSTIN YU

Huwebes, Hulyo 31, 2025

 



Isang kilig na tagpo ang naganap kamakailan sa pagitan ng Kapamilya actress na si Bianca de Vera at Kapuso actor na si Dustin Yu, matapos sorpresahin ni Dustin si Bianca ng isang romantikong candle-lit setup para tanungin siya kung puwede ba itong maging date sa nalalapit na GMA Gala 2025 at buong tamis na “YES” ang sagot ni Bianca.


"Kinabahan ako, pero masaya ako kasi tinanggap niya. Special para sa akin ang gabi na ‘yun, gusto kong maging memorable para sa amin pareho." – Dustin Yu


“Sobrang sweet ni Dustin. Hindi ko in-expect ‘yun. Thankful ako na nirespeto niya ako at pinili niya akong maging kasama niya sa isang importanteng gabi.” – Bianca de Vera


Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na sina Dustin at Bianca ay parehong naging final duo sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, kung saan nabuo ang kanilang magandang samahan at ngayon ay tila may patuloy na “spark” kahit tapos na ang reality show.


Ang sagot ni Bianca sa paanyaya ni Dustin ay agad na ikinatuwa ng fans at netizens, lalo’t hindi inaasahan ng marami na magiging possible ang pagsasama ng Kapuso at Kapamilya stars sa isang red carpet event.


Ngayong August 2, 2025, inaasahang dadalo ang mga biggest names sa showbiz sa event na gaganapin sa Manila Marriott Hotel, kabilang na nga rito sina Bianca at Dustin, na ngayon ay inaabangan ng publiko bilang isa sa mga highlight pairings ng gabi.


Sa gitna ng kompetisyon sa pagitan ng networks, ang pagkakaibigan o posibleng pag-iibigan — nina Bianca at Dustin ay patunay na ang koneksyon at kabutihan ng loob ay walang network boundaries. Sa bawat pag-oo sa mga ganitong pagkakataon, naipapakita rin na ang respeto at malasakit ay may lugar pa rin sa makulay na mundo ng showbiz.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento