Muling pinatunayan ng aktres na si Arci Muñoz na wala pa ring kupas ang kanyang ganda at aura matapos umani ng papuri ang kanyang bagong “final look” na ibinahagi niya sa kanyang TikTok account. Agad na nag-viral ang video, kung saan hindi lang beauty kundi confidence ang dala ng aktres.
“Hindi ko ‘to ginawa para sa kahit sino kundi para sa sarili ko. Kaya kung nagustuhan ng mga tao, masaya ako. Pero ang pinakaimportante masaya ako sa nakikita ko sa salamin.” – Arci Muñoz
Hindi na nagpahuli ang mga netizens sa pagbibigay ng kanilang reaksyon. Isa sa mga top comment ang nagsabing:
“Thesis defended na ‘to, ma’am. No need revision!”
Marami ang sumang-ayon na sana ay ito na ang “final look” ng aktres dahil bagay na bagay umano ito sa kanya classy, empowered, at glowing ang datingan.
Maging ang simpleng ayos at makeup ni Arci ay pinuri, dahil ito raw ay naglalabas ng natural na ganda ng aktres na mas naging mature at sophisticated sa bagong style niya.
Kilala si Arci sa kanyang versatility mula sa pagiging rockstar, aktres, hanggang military reservist, at ngayon ay tila ipinapakita niya na kahit sa looks, kayang-kaya niyang mag-evolve at magpakita ng panibagong anyo habang nananatiling totoo sa sarili.
Sa kanyang simpleng caption sa video, ay mararamdaman ang saya at kumpiyansa niya sa kanyang bagong transformation.
Hindi kailangang may malaking dahilan para baguhin ang sarili, minsan, sapat na ang pagmamahal sa sarili. Sa pinakabagong look ni Arci Muñoz, pinatunayan niyang kahit gaano pa tayo ka-public figure, ang tunay na approval ay nanggagaling sa loob. At kung ang netizens ay pabor sa “final look” na ito mas lalong nakakatuwa, pero ang tunay na glow ay galing sa isang masayang puso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento