Advertisement

Responsive Advertisement

BATANG IFUGAO, NAGSAULI NG ₱92,450 NA NAIWAN SA JEEP: “TINURUAN PO KAMI NI MAMA NA MAGING TAPAT”

Miyerkules, Hulyo 16, 2025

 



Isang 11-anyos na bata mula sa Ifugao ang hinahangaan ngayon hindi lang sa kanilang barangay kundi sa buong Pilipinas. Si Denard Uy-uyon, isang Grade 5 student mula sa Panubtuban Elementary School sa Asipulo, Ifugao, ay naging inspirasyon matapos magsauli ng pouch na naglalaman ng mahigit ₱92,450 na naiwan sa jeep na kanyang sinasakyan.


“Tinuruan po kami ni Mama at Papa na kahit maliit o malaking halaga, hindi atin ‘yan, kaya dapat isauli. Mas masarap sa pakiramdam kapag alam mong tama ang ginawa mo.” -Denard


Ayon sa kuwento, habang papauwi mula sa eskwela, nakita ni Denard ang pouch na naiwan ng pasahero. Hindi siya nagdalawang-isip, agad niya itong iniabot sa kanyang ina na si Daisy upang hanapin ang may-ari.


Dahil sa ID na kasama sa pouch, nalaman ng pamilya Uy-uyon na ang may-ari pala ay kanilang ka-barangay, si Myrna Nalliw. Si Myrna ay nag-withdraw ng malaking halaga na gagamitin sana para sa pondo ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan.


Dahil sa ipinakitang katapatan, binigyan si Denard ng ₱10,000 pabuya mula kay Agnes Tigangay, isang opisyal mula sa bayan ng Kiangan. Maging ang kanilang paaralan ay nagbigay ng papuri sa kanya.


“Ang batang ito ay tunay na huwaran. Sana’y tularan siya ng iba pang kabataan,” ayon kay Tigangay.


Sa panahon kung saan marami ang nadadala sa tukso ng pera, pinatunayan ni Denard Uy-uyon na ang kabutihan at katapatan ay buhay pa rin sa puso ng kabataang Pilipino.


Hindi hadlang ang edad o estado sa buhay para gumawa ng tama. Sa simpleng hakbang ni Denard, marami ang na-inspire na sundin ang tamang landas kahit walang kapalit.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento