Hindi na itinatago ni Rhian Ramos ang lalim ng relasyon nila ng nobyong si Sam Verzosa. Sa panayam niya kay Boy Abunda, inamin ng aktres na napag-uusapan na nila ang pagpapakasal, at mas tumibay pa ang kanilang samahan matapos ang pagkatalo ni Sam sa nakaraang eleksyon bilang mayor ng Maynila.
“Ang mahalaga sa’kin, nakita ko kung paano siya bumangon. Hindi siya bumitaw — sa sarili niya, at sa amin. Mas lalo akong humanga.” -Rhian Ramos
“We talk about it,” saad ni Rhian.
“We started off joking about it… pero ngayon, bigla na lang lumalabas sa random moments. Minsan pag nagta-travel kami, bigla kaming mapapaisip, ‘Dito kaya? Sa ganitong vibe?’”
Ang mga ganitong usapan daw ay hindi na biro, kundi indikasyong pareho silang nakikita ang isa’t isa bilang forever. Ayon kay Rhian, maganda ang takbo ng relasyon nila at tila papunta na talaga sa altar ang direksyon nito.
Sa parehong panayam, sinabi ni Rhian na isa sa pinakamalaking pagsubok na kanilang nalampasan ay ang pagkatalo ni Sam Verzosa sa eleksyon noong Mayo 12, 2025.
“Grabe, what we’ve been through together lately… it just strengthens you. I am very grateful for that experience,” aniya.
Hindi rin itinanggi ni Rhian na umiyak si Sam matapos ang eleksyon — hindi para sa sarili, kundi para sa mga tagasuporta niyang umaasa na maipagpapatuloy niya ang serbisyo publiko sa Maynila.
“Umiiyak siya hindi dahil sa pagkatalo, kundi dahil alam niyang maraming umasa sa kanya. Doon ako na-touch,” dagdag niya.
Ngunit ikinagulat ni Rhian ang mabilis na pagbabalik ng nobyo sa normal na buhay. Isang araw lang matapos ang eleksyon, bigla raw itong bumangon na tila walang nangyari.
“Biglang bumangon. Naka-brush up ang buhok, naka-sweater, parang ‘old rich Londoner’ ang dating. Sabi ko, ‘Sino ‘to?’” pabirong kuwento ni Rhian.
Makikita raw dito ang lakas ng loob at kakayahang mag-move forward ni Sam, na lalong nagpahanga sa kanya.
Sa gitna ng tagumpay, kabiguan, at pagmamahalan, pinatunayan nina Rhian Ramos at Sam Verzosa na matibay ang pundasyon ng kanilang relasyon. Mula sa eleksyon patungong altar, tila iisa na ang landas na tinatahak ng dalawa — ang landas ng pag-ibig na handang sumubok muli, kahit ilang ulit pang madapa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento