Usap-usapan ngayon online si aktor Tom Rodriguez matapos niyang i-post sa Instagram ang isang photoshoot kasama ang kanyang partner at anak, kung saan lahat sila ay nakatalikod sa kamera. Bagama’t ang layunin umano ng post ay upang panatilihing pribado ang kanilang pagkakakilanlan, hindi ito nakalusot sa matatalim na mata ng mga netizen.
“Hindi ko intensyon ang maging misteryoso o magpa-hype. Ang gusto ko lang ay maipakita na meron akong mundong hindi para sa showbiz—isang mundong para sa tahimik kong pagmamahal sa pamilya. At kung minsan, hindi kailangan makita ang mukha para maramdaman ang totoong koneksyon.” - Tom Rodriguez
Sa kanyang caption, ipinaliwanag ni Tom kung bakit piniling hindi ipakita ang mga mukha ng kanyang pamilya:
“This isn’t about hiding… it’s about holding. Holding close what grounds me. What restores me. What reminds me of who I am beyond the lights, the noise, and the roles I play… This family of mine is my sanctuary. My peace,” ani ni Tom.
Ayon sa kanya, sa gitna ng mga ilaw, kamera, at karakter na ginagampanan niya bilang artista, ang kanyang pamilya ang kanyang pahinga at katahimikan.
Marami ang pumuri sa desisyon ni Tom na protektahan ang kanyang pamilya mula sa publiko. May mga nagsabing hinahangaan nila ang pagiging mapag-ingat niya bilang ama at partner.
“Trip niya ‘yan. Congrats Tom sa baby! Enjoy your new family life!”
“Ang ganda pa rin ng photos kahit nakatalikod. Kita mong mahal niya yung babae.”
Ngunit hindi rin nawala ang mga komento ng pangungutya. Para sa ilan, ang ganitong klaseng post ay tila pa-misteryoso pero attention-seeking.
“Kung gusto mong itago, edi wag nang mag-post. Parang gusto mo rin naman ipaalam na meron kang pamilya pero ayaw mong buuin ang kwento.”
“Nakakatawa na gusto mo ng privacy pero gumagawa ka ng ganitong paandar. Cringe.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento