Advertisement

Responsive Advertisement

IVANA ALAWI BINANATAN ANG MGA BASHERS: "HINDI AKO EASY TO GET AT LALONG HINDI AKO CHEAP"

Biyernes, Hunyo 6, 2025

 



Diretsahan at walang paligoy-ligoy na sinagot ni Ivana Alawi ang mga lumulutang na tsismis na ikinakabit ang pangalan niya kay Bacolod City Mayor Albee Benitez, pati na rin ang mga puna at batikos na kinakaharap niya online. Sa isang panayam, ipinakita ng aktres at vlogger na hindi siya basta nagpapaapekto sa mga isyung ibinabato sa kanya.


“Wala naman akong pakialam sa bashers. Deadma. Kung gusto nilang mang-bash, deadma. Wala ka namang magagawang perfect para sa kanila,” ani Ivana.


Nilinaw din ni Ivana na single siya sa ngayon at nakatutok lang sa kanyang career.


“Trabaho muna. Wala lang siguro akong time. Focus ako sa sarili at sa pamilya ko.”


May ilang nagsasabi na si Ivana ay "easy to get," pero mabilis niya itong pinasinungalingan. Ayon sa kanya, hindi siya madaling mapasagot, at kung gusto talaga ng isang lalaki, kailangang may effort.


“Ang tingin nga nila ay easy to get ako. Pero ang totoo, hindi nila ako nage-get. Wala namang kailangang gawin pero ‘yung effort pa rin sa panliligaw.”


Para kay Ivana, mahalaga rin ang opinyon ng kanyang pamilya pagdating sa relasyon.


“Siguro ‘yung mahal ng pamilya ko kasi kung hindi kasundo ng family ko baka hindi rin kami mag-work. Importante sa akin ang suggestion ng kapatid ko, ng mama ko.”


Kahit isa sa mga pinakamalalaking content creators sa Pilipinas, hindi ipinagmamayabang ni Ivana ang kanyang yaman. Sa halip, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagmamahal, pamilya, at kasimplehan ng buhay.


“Mayaman ako sa pagmamahal, sa pamilya. ‘Yung pera, mawawala rin ‘yan. Contented ako kung anong mayroon ako. Kapag kinuha ka ni Lord, hindi mo maisasama ang materyal, bag, pera. Enjoy-in mo ‘yung buhay mo.”


Pagdating sa kanyang ideal na lalaki, simple lang ang standard ni Ivana:


“Ang ideal guy ko ay hindi mayabang at may puso. ‘Yung same heart na gustong tumulong.”


At may diretsong pahayag rin siya tungkol sa pakikipag-date sa kapwa showbiz personality:


“Hindi talaga ako mahilig sa showbiz. Kapag showbiz, hindi talaga nagwo-work. Ilang beses na akong nag-date ng showbiz. Ginawa lang akong sugar mama. Okay lang ako sa split the bill pero huwag naman ‘yung todo-todo na ako ang sumasagot.”


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento