Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Diwata, ang viral pares seller, matapos siyang batikusin ni Rendon Labador dahil sa kanyang cameo role sa teleseryeng Batang Quiapo. Sa isang matapang na sagot, sinupalpal niya si Rendon at ipinagmalaki ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon.
“Hindi ko naman pinipilit makilala, pero binigyan ako ng chance ni Kuya Coco. Kung may inggit, problema na nila 'yon. Ako, masaya na ako sa ginagawa ko. At least ako, may role. ’Yung iba, puro dada lang.” - Diwata
Nagsimula ang iringan nang inutya ni Rendon sa social media ang pagkakasama ni Diwata sa teleserye. Sa kanyang post, sinabi niyang:
“Anong role mo diyan, unggoy na nagsasalita? Congrats!!! Talino talaga ni best friend Coco, alam niya sino kukunin π― approved!!!”
Pero hindi ito pinalampas ni Diwata na agad naglabas ng matapang na sagot sa Facebook:
“Rendon Labador panoorin mo nalang nasa mga video ng Batang Quiapo para hindi ka naman mukhang tanga. Bakit? Naiinggit ka kasi kahit papano nabigyan ako ng role, samantalang ikaw… nga nga?!”
Dagdag pa niya, tila hindi matanggap ni Rendon na ang isang tulad niya — simpleng tindera ng pares na sumikat sa TikTok — ay nakapasok sa mainstream showbiz habang si Rendon ay abala sa pag-aalboroto online.
“Baklang ’to, napaka-inggitiro mo. Magbago ka na!” ani Diwata.
Ang banat ni Diwata ay sagot na rin sa naunang isyu kung saan pinangalanan niya ang alagang aso bilang “Rendon.” Sa halip na matawa, nagalit si Rendon at nagpahiwatig na balak niyang bumili ng unggoy:
“Ano ipapangalan natin? Makabili nga din ng alagang unggoy. Saan ba nakakabili niyan? Maganda sana yung meron na kasamang gold sa leeg para hindi na ako bumili,” ani Rendon.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa kontrobersiya si Rendon, na kilala sa kanyang matitinding opinyon laban sa mga kilalang personalidad online. Ngunit tila hindi na takot ang mga kabataan at bagitong bituin sa kanyang mga banat, gaya ni Diwata.
Sa kabila ng pagkakaroon ng simple at tahimik na simula bilang pares vendor, pinatunayan ni Diwata na hindi kailangang galing ka sa showbiz para magtagumpay sa showbiz. Ang kanyang determinasyon, kababaang-loob, at natural na charm ang nagtulak sa kanya sa eksena ng Batang Quiapo — at tila hindi matanggap ito ng ilan. Sa kanyang matapang na sagot kay Rendon Labador, ipinakita ni Diwata na hindi siya basta-basta matitinag, at kung may sasabihin man sa kanya, kaya rin niyang sumagot nang palaban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento