Advertisement

Responsive Advertisement

SENADOR JINGGOY ESTRADA, NAIS TANGGALIN ANG SENIOR HIGH SCHOOL: “DAGDAG GASTOS, KULANG SA RESULTA”

Martes, Hunyo 10, 2025


 

Umani ng atensyon ang bagong panukalang batas ni Senator Jinggoy Estrada matapos siyang maghain ng Senate Bill No. 3001, na naglalayong tuluyang alisin ang Senior High School (SHS) sa ilalim ng kasalukuyang K to 12 program ng Pilipinas.


Ayon kay Estrada, makalipas ang 12 taon mula nang ipatupad ang Enhanced Basic Education Act of 2013 o Republic Act No. 10533, hindi pa rin natutupad ang mga layunin ng programa — kabilang na ang paghahanda ng mga estudyante para sa kolehiyo, trabaho, o negosyo.


“Ang SHS ay naging dagdag-gastos at dagdag-pagod lang para sa mga estudyante at magulang. Kulang naman sa resulta. Panahon na para mas pag-isipan natin kung epektibo pa ang mga patakarang ipinatupad noon. Kung hindi na ito makabuti sa kabataan, dapat may lakas tayong itama,” – Sen. Jinggoy Estrada.


Sa ilalim ng panukala, mananatili raw ang mga prinsipyo ng RA 10533 tulad ng quality education, ngunit mas pinasimple ang sistema sa pamamagitan ng pag-alis ng dalawang karagdagang taon ng high school.


Bukod kay Estrada, may kaparehong panukala na rin sa Kongreso—House Bill 11213—na umusad na sa second reading.


Habang may layunin ang Senior High School na mas paghandaan ang kabataan para sa mas malaking mundo ng trabaho o kolehiyo, tila hindi pa rin ito sapat ayon sa datos, at sa mismong pananaw ng ilang senador tulad ni Jinggoy Estrada.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento