Advertisement

Responsive Advertisement

RENDON LABADOR, ITINALAGANG FITNESS COACH NG MGA PULIS NA OVERWEIGHT SA PNP

Biyernes, Hunyo 20, 2025

 



Opisyal nang kinuhang fitness coach si Rendon Labador para pamunuan ang 93-araw na weight loss program ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na sobra sa timbang. Ang hakbang na ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng bagong talagang PNP Chief Gen. Nicolas Torre III laban sa mga pulis na hindi physically fit para sa tungkulin.


Sa panayam, sinabi ni Labador na siya ang magmo-monitor sa araw-araw na ehersisyo at kakainin ng mga pulis, katuwang ang mga professional nutritionists.


"Sa 93 days, hindi lang timbang ang mawawala kundi mga dating bisyo, panghihina ng loob, at kawalan ng disiplina. Ako ang magbabantay, magrerekomenda, sa tulong ng mga nutritionist, ng mga kakainin nila. Kailangan kasi workout at tamang nutrition"- Rendon


Dagdag pa ni Rendon, hindi lang ito tungkol sa katawanito rin ay tungkol sa pagsasauli ng tiwala ng publiko sa kapulisan.


"Dapat naman talaga bigyang-diin ang pangangatawan at physical appearance, kasi doon nila makukuha ang respeto ng taumbayan," paliwanag niya.


Ayon sa programa, magsisimula ito sa assessment phase para matukoy ang tamang training ng bawat pulis. Susundan ito ng functional training, nutritional supervision, at motivational tracking.


Ang pagkakasama ni Rendon Labador sa PNP fitness program ay isang makabagong hakbang upang bigyang-diin ang disiplina, kalusugan, at tiwala ng publiko. Para kay PNP Chief Gen. Torre, ang isang matikas at malusog na pulis ay simbolo ng dedikasyon at integridad sa serbisyo.


“Hindi ito para ipahiya ang mga pulis. Ito ay para tulungan silang maging mas mabuting lingkod-bayan physically and mentally,” pagtatapos ni Rendon Labador.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento