Advertisement

Responsive Advertisement

XIAN LIM, ISA NANG LISENSYADONG COMMERCIAL PILOT: “THIS IS ONLY THE BEGINNING!”

Huwebes, Hunyo 19, 2025


 

Isa na namang milestone ang naabot ng aktor at direktor na si Xian Lim—ngayon ay isa na rin siyang licensed commercial pilot.


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Xian ang kanyang emosyon at pasasalamat matapos ang matinding pagsasanay sa TopFlite Academy. Aniya, hindi pa rin siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari at kung paano niya nalampasan ang mga pagsubok sa pagiging piloto.


“Let this be a reminder… nothing is impossible if you have the heart, the passion, and the right people around you. This is only the beginning. Let’s keep flying.” - Xian Lim


“This journey has truly been life-changing and I’m filled with gratitude,” ani Xian.

“To my @topfliteacademy family, thank you for believing in me and pushing me beyond what I thought was possible.”


Nagpasalamat din si Xian sa mga kapwa estudyante, instructors, at espesyal na binanggit si Capt. Chiclet Pecson, na naging sandalan niya sa mga hirap na flight simulations.


“Susuka pero ‘di susuko. Repetition, repetition, repetition!” sabi pa niya.


Bilang isa nang ganap na piloto, pinatunayan ni Xian na walang imposible sa taong may determinasyon at tamang suporta. Ayon sa kanya, mas mahalaga ang puso sa anumang hangaring gustong abutin.


Mula sa pagiging aktor at direktor, ngayon ay sumusubok ng bagong kalangitan si Xian Lim bilang isang lisensyadong piloto. Ang kanyang kwento ay hindi lang kwento ng tagumpay, kundi paalala sa atin na anumang pangarap ay kayang abutin basta't may tiyaga, sipag, at tamang mga taong naniniwala sa’yo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento