Advertisement

Responsive Advertisement

“MENTAL HEALTH DAW”, FOREIGN VLOGGER VITALY NAGMAMAKA-AWA KAY REMULLA NA I-URONG ANG KASO

Linggo, Hunyo 1, 2025

 



Humingi ng paumanhin at tulong si Vitaly Zdorovetskiy, isang kilalang Russian vlogger, kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur “Jonvic” Remulla upang iatras ang mga kasong isinampa laban sa kanya, dahil umano sa kanyang problema sa mental health.


“Naunawaan namin ang sinasabing mental health issues ni Mr. Zdorovetskiy, pero kailangang igalang natin ang batas. May mga taong naapektuhan sa nangyari, at karapatan nila ang humingi ng hustisya.” - Jonvic Remulla


Ayon kay Remulla, “Sumulat sa akin na he is suffering from mental health issues daw… Kung puwede i-drop na ’yung mga kaso, humihingi siya ng patawad.”


Ngunit kahit pa may paghingi ng tawad at pag-amin sa pinagdaraanan, tuloy pa rin ang pagsasampa ng kasong unjust vexation sa korte sa darating na linggo. Ang kaso ay may kaugnayan sa insidente kung saan nakasagutan ni Vitaly ang tatlong security guards sa isang establishmento.


Si Vitaly ay naging viral matapos ang tensyon sa pagitan niya at mga security personnel sa isang establishment sa Pilipinas. Sa video, makikitang mainit ang tagpo, dahilan upang magsampa ng reklamo ang mga guwardiya.


Hindi umano natinag ang mga biktima sa paghingi ng tawad ni Vitaly o sa mga pag-uusap ng kampo nito na nais sanang ayusin ang isyu sa settlement.


“Mabuti na lang, ‘yung mga security guards ay matibay ang loob. Hindi bumigay at itutuloy natin ang kaso,” dagdag pa ni Secretary Remulla.


Sa kabila ng pag-amin ni Vitaly Zdorovetskiy sa kanyang pinagdaraanang mental health issues at kanyang paghingi ng tawad, iginiit ng DILG na hindi ito dahilan para kalimutan ang pananagutan sa batas.


Ang mensahe: Hindi sapat ang sorry kung may nasaktan ka na. Sa Pilipinas, pinapahalagahan ang karapatan ng bawat manggagawa—lalo na ng mga security guards na araw-araw ay nakataya ang dangal at buhay para sa ating kaligtasan.


Habang patuloy ang legal na proseso, isa lang ang malinaw: Ang hustisya ay hindi basta-basta ipagpapaliban—kahit pa sikat ka pa sa YouTube.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento