Advertisement

Responsive Advertisement

MAG-AMA MULA BENGUET, LUMALABAN SA MAYNILA HINDI PARA YUMAMAN KUNDI PARA MAIRAOS ANG PAMILYA

Sabado, Hunyo 28, 2025

 



Sa gitna ng maingay na lansangan ng Maynila, isang nakakaantig na kwento ng sakripisyo at pagmamahal sa pamilya ang bumungad sa mata ng mga netizens. Sa isang litrato na ngayo’y kumakalat online, makikitang magkasamang nagtitinda ng gulay sa bangketa sina Mang Randolf at ang kanyang anak na si Carlos mag-ama mula Benguet na lumuwas sa Maynila para makahanap ng kabuhayan.


“Hindi ko po ito ginagawa para yumaman. Ginagawa ko ito para lang po mabuhay kami ng pamilya ko,” ani ni Mang Randolf.

“Salamat din sa anak kong si Carlos. Bata pa pero ramdam ko na ang malasakit niya sa amin.”


Hindi nila layuning yumaman. Ang tanging hangarin nila ay makatawid sa araw-araw, makakain ng sapat, at patuloy na maitaguyod ang kanilang munting pamilya. Ang masakit pa, ang asawa ni Mang Randolf, ay paralisado na at hindi na makakilos. Kaya’t bilang haligi ng tahanan, isinugal ni Mang Randolf ang lahat para maglako ng gulay sa syudad bitbit ang kanyang anak na si Carlos na mas piniling tumulong sa halip na maglaro gaya ng ibang bata.



Umulan man o umaraw, magkasama ang mag-ama sa bangket anagbubuhat ng bayong, nag-aayos ng mga gulay, at sabay na humaharap sa hirap ng buhay. Sa mata ng marami, isa lang silang ordinaryong tindero. 


Sa panahong maraming tao ang nagrereklamo sa hirap ng buhay, nararapat lamang na kilalanin at bigyang-pansin ang mga tulad nina Mang Randolf at Carlos. Hindi sila nagbebenta ng gulay para magka-kotse o bahay na magara. Nagtitinda sila para sa simpleng layunin ang mabuhay, ang makakain, at ang makapiling ang pamilya.


Kaya’t kung sakaling mapadaan ka sa kanilang puwesto, piliin mong bumili sa kanila. Hindi lang gulay ang mabibili mo, kundi inspirasyong tunay.


“Hindi madali, pero basta magkasama kami, kaya naming lagpasan lahat,” – Carlos, 11 taong gulang.

“Hangga’t kaya ko pa, lalaban ako. Para sa pamilya ko.” – Mang Randolf


Tandaan: Ang simpleng pagtulong sa maliliit na tindero, malaking bagay na sa kanilang araw-araw.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento