Advertisement

Responsive Advertisement

INANG PUSA AT KUTING, INABANDONA SA SAKO: ISANG PAALALA SA LAHAT NA MAGING RESPONSABLE

Sabado, Hunyo 28, 2025

 



Isang nakakadurog ng pusong eksena ang sumalubong sa mga staff ng City Veterinarian’s Office kaninang umaga. Sa mismong harapan ng kanilang opisina, may iniwang sako na tila walang laman. Ngunit sa pagbukas nito, tumambad ang isang inang pusa at ang kanyang kuting—walang dalang pagkain, walang kumot, kundi isang piraso lamang ng karton na may nakasulat na: "Pls. ihatud sa Office of Veterinarian."


Hindi na bago sa mga animal shelters ang ganitong mga pangyayari, ngunit sa tuwing may iniiwang hayop na tila wala nang ibang pag-asa kundi ang awa ng iba, muling napapaalala sa atin ang tunay na kahulugan ng pagiging “furparent” ang pagiging responsableng tagapag-alaga.


"Bilang mga tagapangalaga ng mga hayop, nakakalungkot man, pero hindi na ito bago sa amin. Ngunit sa tuwing may ganitong kaso, mas lalo naming gustong ipaglaban ang karapatan ng mga hayop. Sana po sa mga nag-aalaga, huwag lang natin silang mahalin sa umpisa. Alagaan natin sila habang sila’y nabubuhay. Tulad ng tao, may damdamin din sila." -City Veterinarian’s Office


Hindi natin alam ang buong kwento sa likod ng iniwang sako baka hindi na kaya ng may-ari, baka wala na siyang mapaglagyan, o baka umaasa siyang may mas makakapag-alaga sa kanila. Ngunit ang malinaw: kailangan nating itaas pa ang kamalayan ukol sa tamang pag-aalaga sa mga hayop. Hindi lang ito basta responsibilidad, ito ay isang panghabambuhay na pangako.


Adopt if you can. Help if you can. And most importantly be a responsible pet owner. Dahil ang pagmamahal sa hayop ay hindi nagtatapos sa cute na larawan. Nagsisimula ito sa pagkalinga, at nagpapatuloy sa pagrespeto sa kanilang buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento