Advertisement

Responsive Advertisement

JIRO MANIO, TINANGGIHAN ANG ALOK NI COCO MARTIN NA MAG GUEST BATANG QUIAPO: ‘DI KO PA KAYA ANG PAGOD’

Sabado, Hunyo 21, 2025

 



Sa gitna ng matinding pagbabago sa kanyang buhay, kinumpirma ni former child actor Jiro Manio na inalok siya ni Coco Martin na mag-guest sa top-rating teleseryeng Batang Quiapo. Pero para kay Jiro, hindi pa ito ang tamang panahon.


“Nagkausap kami ni Coco sa Indiing-Indie Festival, sabi niya kung okay na ako, sabihan ko raw siya. Medyo pinag-iisipan ko pa, wala pa sa kagustuhan ng katawan ko, Gusto ko, pag totally back to normal na ako, saka ako babalik. Mas gusto ko na ma-refresh ako nang mabuti bago ako bumalik sa pag-aartista" saad ni Jiro.


Sa eksklusibong panayam sa birthday celebration ni PMPC board director Rommel Placente, inamin ni Jiro na bagama’t nakaka-engganyo ang alok ni Coco Martin, mas pinili niyang magpakatotoo sa sarili — dahil alam niyang hindi pa handa ang kanyang katawan at isipan.


Matatandaang minsan nang nasangkot sa kontrobersya si Jiro nang hindi na ito sumipot sa taping ng Tayong Dalawa noong 2009. Ayon sa kanya, ayaw na niyang maulit ang ganung pagkakamali.


“Sabi ko, ‘Di ko pa kaya ang pagod.’ Saka natatakot ako na um-oo ako sa kanila tapos mangyari uli yung nakaraan na di ako pumunta. Baka mayari na naman ako.”


Hindi lahat ng oportunidad ay kailangang sunggaban agad—lalo na kung hindi pa handa ang puso, katawan, at isipan. Ipinakita ni Jiro Manio na ang tunay na katapangan ay ang pag-amin ng sariling limitasyon. Sa halip na pumasok muli sa mundo ng showbiz na hindi buo ang loob, mas pinili niyang ayusin muna ang kanyang sarili isang hakbang na karapat-dapat hangaan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento