Hindi pa tapos ang banat ni Rendon Labador sa mga personalidad sa internet. Ang pinakabagong biktima ng kanyang matalim na dila ay si JP Abecilla, isang self-proclaimed “award-winning blogger” na naging viral matapos ang insidente sa isang Starbucks branch dahil umano sa maling pagkakasulat ng kanyang pangalan sa iniinom na kape.
Sa isang post sa Facebook, tinawag ni Labador si Abecilla na isang “social climber” na walang pambili ng kape, kaya nag-iingay para lang mapansin.
“Mahirap magkamali kapag social climber ang customer. Bihira lang kasi sila makapag-Starbucks kaya pagpasensyahan na lang po ninyo. Ako na ang humihingi ng paumanhin,” ani Labador.
Hindi pa nakuntento, nagkomento pa siya ng mas mabigat:
“Pag wala kayong pera mag 3 in 1 nalang kayo. Panget ka na nga, mareklamo ka pa.”
Matatandaang si Abecilla ay nag-post ng video sa kanyang Facebook kung saan ikinuwento niya na nainsulto umano siya matapos isulat ng barista ang “JC” sa halip na “JP.” Umalis daw siya ng branch bilang protesta sa hindi umano pagrespeto sa kanyang pagkatao.
Ang video ay mabilis na kumalat at umani ng iba't ibang reaksiyon: may mga nagsabi na hindi propesyonal ang barista, ngunit mas marami ang nagsabing OA ang reaksyon ni JP at ginagawa lang itong content para sumikat.
Hindi rin nagpatinag si JP at agad gumanti ng salita laban kay Rendon:
“Syempre trending tayo, kaya todo sawsaw ang mga forda views lang habol tas puro limos sa kanilang followers!”
“At kumahol na nga ang aso ni Diwata na sumikat dahil sa pagkahol sa kung sino-sinong nilalang. Pero mas bumenta pa rin sa 31M ang tig 20 pesos na bigas kesa sa kanyang #MotivationalRice.”
Isang simpleng pagkakamali sa pangalan ang naging mitsa ng mainit na bangayan sa social media. Sa isang banda, nariyan si JP Abecilla na ipinaglaban ang kanyang damdamin sa pagiging “disrespected.” Sa kabilang banda, si Rendon Labador ay muling sumawsaw at pinaigting ang tensyon gamit ang mabibigat na salita.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento