Advertisement

Responsive Advertisement

500% ANG ITINAAS, DOH: HIV CRISIS LUMALA NA SA MGA LALAKING NAKIKIPAGTALIK SA LALAKI

Biyernes, Hunyo 6, 2025

 



Naglabas ng seryosong babala ang Department of Health (DOH) matapos kumpirmahin na 95% ng mga bagong kaso ng HIV sa bansa ay mula sa pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki. Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, karamihan sa mga kasong ito ay mula sa mga kabataang edad 15 hanggang 25.


“Hindi natin ito pwedeng palampasin. Hindi ito isyu ng moralidad, kundi ng kalusugan ng publiko. Kung hindi tayo kikilos ngayon, baka mahuli na ang lahat. Ang HIV ay hindi pa rin nawawala — at sa bilis ng pagkalat nito, oras na para harapin natin ito nang buong tapang at katotohanan.”


“About 95% of our new cases are from men having sex with men. It’s not from female sex workers. It’s from male-to-male sex,” ayon kay Herbosa sa isang panayam.


Dagdag pa niya, kung hindi maagapan ang pagkalat ng HIV, inaasahan na maaaring umabot sa 400,000 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong may HIV pagsapit ng 2030.


“If we fail to control this, my estimate is that by 2030, there will be 400,000 people living with HIV in the Philippines.”


Nauna nang iniulat ng DOH na ang mga bagong kaso ng HIV sa Pilipinas ay tumaas ng 500% simula noong 2010, kaya’t isinasaalang-alang na ngayon ang pagdedeklara ng National Public Health Emergency.


Hindi na raw epektibo ang lumang sistema ng kampanya, at kailangan na ng matapang at direktang aksyon upang harapin ang isyu, ayon kay Herbosa. Bukod sa pagpapalawak ng testing at access sa antiretroviral treatment, kailangan ding palakasin ang edukasyon sa ligtas na pakikipagtalik, lalo na para sa kabataang kabilang sa LGBTQIA+ community.


Ang ulat ng DOH ay isang matinding paalala na hindi na biro ang sitwasyon ng HIV sa Pilipinas. Hindi ito tungkol sa paghusga sa kasarian, kundi tungkol sa tamang impormasyon, maingat na kilos, at bukas na diskusyon. Kailangan ngayon ng malawakang edukasyon, mabilis na aksyon mula sa gobyerno, at pagtutulungan ng lahat ng sektor upang maagapan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga may HIV.


Hindi dapat matalo ng hiya o takot ang kalusugan. Ang kaalaman at maagap na testing ay makapagliligtas ng buhay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento