Hindi pa rin natatapos ang kontrobersya sa viral motovlogger na si Yanna Aguinaldo, matapos siyang batikusin muli online—ngayon naman, hindi dahil sa kanyang viral road rage incident, kundi dahil sa matapang niyang banat sa Land Transportation Office (LTO).
"Hindi ako umiwas sa pananagutan. Tinanggap ko ang multa, sinuspinde ang lisensya ko, at inamin ko ang mali. Pero kung kaligtasan talaga ang layunin ng LTO, sana hindi lang ako ang pinupuntirya. Sana pati 'yung mas delikadong problema sa mga kalsada—‘yun ang bigyan ng mas matinding aksyon. Buhay ang pinag-uusapan dito, hindi views." - Yanna Aguinaldo
Sa isang social media post, hinamon ni Yanna ang LTO na ituon ang pansin sa mas malalalim at mas seryosong isyu ng kaligtasan sa kalsada kaysa sa kanya lamang.
“If safety and discipline are truly the priorities, I hope they are enforced where they matter most — where they protect lives, not just trend online,” ani Yanna.
Bilang bahagi ng kanyang pahayag, binanggit ni Yanna ang mga dapat unahin ng LTO, kabilang ang:
Mga overloaded trucks na bumabaybay sa mga provincial highways
Mga iligal na nakaparadang sasakyan sa emergency lanes
Mga open manholes, sirang barrier, at iba pang road hazards na hindi minamarkahan
“I only hope this same level of scrutiny is directed toward more pressing, longstanding issues that truly compromise public safety on a daily basis,” dagdag pa ni Yanna.
Ang pahayag ay kasunod ng desisyon ng LTO noong nakaraang linggo, kung saan pinagmulta si Yanna ng ₱7,000 dahil sa paggamit ng motorsiklong walang side mirrors (₱5,000) at reckless driving (₱2,000). Sinuspinde rin ang kanyang lisensya hangga’t hindi niya sinusuko ang motorsiklo na ginamit niya sa insidente — na inamin niyang hindi rehistrado sa kanyang pangalan.
Ang lahat ng ito ay bunga ng viral video kung saan makikitang kinompronta ni Yanna ang isang motorista sa Zambales, na naging sanhi ng matinding backlash mula sa publiko, kasamang mga panawagan na i-boycott at i-report ang kanyang social media accounts.
Ang matapang na pahayag ni Yanna Aguinaldo laban sa LTO ay isang kontrobersyal ngunit makabuluhang panawagan para sa mas malawak na pananaw sa road safety at accountability ng pamahalaan. Bagama’t may pagkukulang din siya sa insidente, hindi maikakaila na may punto rin siya sa mga mas sistematikong problema sa kalsada na matagal nang binabalewala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento