Advertisement

Responsive Advertisement

PAGCOR VS MONEY LAUNDERING: PBBM, PROUD SA GLOBAL ACHIEVEMENT NG BANSA

Biyernes, Mayo 9, 2025

 


Lubos ang pasasalamat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa kanilang malaking kontribusyon upang tuluyang matanggal ang Pilipinas sa grey list ng Financial Action Task Force (FATF)—isang talaan ng mga bansang may kakulangan sa pagpapatupad ng mga batas kontra money laundering at terrorist financing.


“Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsusumikap ng ating mga institusyon. Ang pagkakatanggal ng Pilipinas sa grey list ay patunay na seryoso ang ating pamahalaan sa pagsusulong ng ligtas, patas, at maaasahang kalakaran sa ating bansa.” - Pangulong Marcos Jr


Noong Lunes, Mayo 5, ginanap sa MalacaƱang ang isang seremonya kung saan pinarangalan nina Chairman at CEO Alejandro H. Tengco at President at COO Wilma Eisma ng PAGCOR para sa kanilang malaking papel sa pagkakaalis ng Pilipinas sa grey list ng FATF.


Ayon kay Chairman Tengco:

“Being on the FATF grey list means that a country has significant deficiencies in anti-money laundering and counter-terrorism financing frameworks, which negatively impact foreign investment and increase the cost of doing business.”


Ipinagmalaki rin ni Tengco ang Anti-Money Laundering Supervision and Enforcement Department at AML Compliance Department ng ahensya sa kanilang mas mahigpit na implementasyon ng mga patakaran laban sa illegal na pananalapi.


Binanggit din ni Chairman Tengco na ang matapang na desisyon ni Pangulong Marcos Jr. na ipagbawal ang offshore gaming operations (POGO) ay naging malaking hakbang sa pagtugon sa pandaigdigang pamantayan sa pananalapi.


“We are honored that PAGCOR played a crucial part in this development,” ani Tengco.

“Now that the Philippines is off the FATF watchlist, we expect an increase in investor trust and a stronger flow of foreign investments.”


Ang pagkakatanggal ng Pilipinas sa FATF grey list ay hindi lamang tagumpay sa pananalapi, kundi isang malaking hakbang patungo sa muling pag-angat ng tiwala ng mga dayuhang mamumuhunan sa ating bansa. Saludo ang MalacaƱang sa PAGCOR sa kanilang dedikasyon — at ayon sa Pangulo, ito ay simula pa lamang ng mas maunlad at mas maayos na Bagong Pilipinas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento