Kumpirmado na: magbubukas na bilang impeachment court ang Senado sa Hunyo 3, 2025, upang simulan ang paglilitis sa kaso laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte, ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero.
"Bilang Senado, tungkulin naming gampanan ang papel na ipinagkaloob sa amin ng Konstitusyon. Magsisilbing impeachment court ang Senado hindi para sa pulitika, kundi para sa hustisya. Ang layunin natin dito ay ang pagpapanagot kung kinakailangan, at pagbibigay-linaw kung may pagdududa." - Senate President Chiz Escudero
Sa isang liham na may petsang Mayo 19 na ipinadala kay House Speaker Martin Romualdez, inilahad ni Escudero ang mga mahahalagang petsa at detalye ng pagsisimula ng impeachment trial.
“The Senate shall be convened as an impeachment court at 9 a.m. on June 3, 2025, for the purpose of issuing the summons and other relevant orders,” ani Escudero.
Mahahalagang Petsa sa Impeachment Trial
Hunyo 2 – Pormal na presentasyon ng 7 Articles of Impeachment ng mga tagausig ng Kamara sa plenaryo ng Senado, alas-4 ng hapon
Hunyo 3 – Pagpupulong ng Senado bilang impeachment court at panunumpa ng mga senator-judge
Hunyo 4 – Paglalabas ng summons kay VP Duterte
Hunyo 14–24 – Pagtanggap ng mga pleadings mula sa magkabilang panig
Hunyo 24–Hulyo 25 – Pre-trial phase
Hulyo 28 – Pagbubukas ng ika-20 Kongreso
Hulyo 29 – Panibagong oath-taking ng mga nahalal na senador
Hulyo 30 – Opisyal na pagsisimula ng impeachment trial
Na-impeach si VP Sara Duterte noong Pebrero 5 ng Kamara dahil sa mga sumusunod na alegasyon:
Culpable violation of the Constitution
Bribery
Graft and corruption
Betrayal of public trust
Misuse of ₱612.5 million confidential funds mula sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) noong 2022–2023
Samantala, naghain ng petition si VP Duterte sa Korte Suprema noong Pebrero 18 upang pigilan ang paglilitis. Gayunman, kumpiyansa si Escudero na matatapos ang impeachment trial sa loob ng tatlong buwan.
Ang pagbubukas ng Senado bilang impeachment court ay isang makasaysayang hakbang sa ilalim ng ika-20 Kongreso. Sa gitna ng kontrobersyal na paggamit ng confidential funds at mabibigat na paratang, lalabas ang katotohanan sa pamamagitan ng pormal na paglilitis sa harap ng sambayanang Pilipino.
Habang ipinaglalaban ni Vice President Duterte ang legalidad ng impeachment sa Korte Suprema, nananatili ang mandato ng Senado na isulong ang transparency, accountability, at rule of law.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento