Advertisement

Responsive Advertisement

KAHIT BINABATIKOS, PBBM TUMINDIG: "I WILL RESIGN? BAKIT KO GAGAWIN ’YON?"

Biyernes, Mayo 30, 2025

 



Sa gitna ng mga batikos at panawagang bumaba sa pwesto, matapang na sinagot ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang mga isyu hinggil sa kanyang pamumuno, partikular sa kontrobersyal na kautusan na humihiling ng courtesy resignation mula sa ilang miyembro ng kanyang gabinete.


“Ako ang nahalal ng taumbayan. May pananagutan ako sa kanila. Hindi ako tatalikod sa responsibilidad na ‘yon. Hindi ako perpekto, pero sisiguraduhin kong buong puso ko itong tutuparin.” -PBBM


Sa isang press conference sa Kuala Lumpur nitong Mayo 27, diretsahang sinabi ng Pangulo:


“I will resign? Bakit ko gagawin ’yon? Wala sa ugali ko ang tinatakbuhan ang problema.”


Mariin din niyang ipinunto na ang pagbibitiw ay hindi makatutulong sa kasalukuyang hamon na kinahaharap ng kanyang administrasyon.


“So, what good will that do?” dagdag pa ni Marcos.


Ang pahayag ay tugon sa mga puna ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez, na nagpahayag ng pagtutol sa direktiba ng Pangulo na humihiling sa mga opisyal na magbigay ng courtesy resignations bilang bahagi ng “recalibration” sa pamahalaan.


Sa kabila ng mga puna mula sa dating kaalyado at mga kritiko, naninindigan si Pangulong Marcos na mananatili siya sa puwesto at ipagpapatuloy ang kanyang mandato. Para sa Pangulo, ang paghingi ng courtesy resignation ay bahagi ng kanyang pagsusumikap na mas paigtingin ang pagiging epektibo at malinis na pamamahala sa ilalim ng kanyang administrasyon.


Hindi rin umano siya nakikipag-personalan sa mga batikos, kundi nakatuon siya sa resulta at aksyon para sa ikabubuti ng bayan.


Ayon sa mga political analyst, ang naturang hakbang ay tila bahagi ng “reorganization” na layong siguruhin na ang mga taong nakapaligid sa Pangulo ay tunay na may malasakit at galing para gampanan ang kanilang tungkulin.


Ang pagtanggi ni Pangulong Marcos na magbitiw ay malinaw na mensahe ng pagtataya at paninindigan sa tungkulin. Habang patuloy na binabatikos mula sa loob at labas ng gobyerno, sinasabi niyang ang lider ay hindi sumusuko, kundi humaharap sa problema nang buong tapang at paninindigan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento