Ipinagpaliban ni Senate President Francis "Chiz" Escudero ang orihinal na schedule ng presentasyon ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte mula Hunyo 2 patungong Hunyo 11, upang bigyang-priyoridad muna ang mga mahahalagang panukalang batas bago ang sine die adjournment ng Kongreso.
“Bilang mga halal ng bayan, tungkulin nating tiyaking ang mga batas at reporma na makatutulong sa sambayanan ang unahin. Hindi natin puwedeng hayaang maipit ang mga ito sa gitna ng mga prosesong politikal gaya ng impeachment.”
“Huwag po kayong mag-alala. Hindi po natin binabale-wala ang impeachment. Ginagawa lang natin itong may tamang timing at may konsiderasyon sa mas malaking interes ng publiko.” - CHIZ ESCUDERO
Ayon kay Escudero, bagama't mahalaga ang impeachment bilang isang tungkulin sa ilalim ng Konstitusyon, hindi ito dapat makaabala sa pagpasa ng mga panukalang direktang makaaapekto sa kapakanan ng taumbayan.
Sa liham na ipinadala ni Escudero kay Speaker Martin Romualdez, ipinunto niyang matapos ang pulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), napagkasunduang bigyang-diin ang pagpasa ng 12 priority bills sa huling anim na session days ng Ika-19 na Kongreso. Ilan sa mga ito ay:
E-Governance Act
Open Access in Data Transmission (Konektadong Pinoy Act)
Amendments to the Universal Health Care Act
Virology Institute of the Philippines
Anti-POGO Act
Bilang karagdagan, binanggit din ni Escudero ang higit sa 200 presidential appointments na kailangang kumpirmahin sa pagbabalik ng sesyon sa Hunyo 2, kabilang ang 3 Cabinet secretaries, 39 foreign service officers, at 277 opisyal ng Armed Forces of the Philippines.
Ang pagpapaliban sa presentasyon ng impeachment articles ay hindi nangangahulugang iniiwasan ng Senado ang proseso — bagkus, isang malinaw na pahayag ito na mas mahalaga pa rin ang mga panukalang makaaapekto sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
Sa gitna ng maiinit na usaping politikal, nananatiling balanse at maingat si Senate President Chiz Escudero sa kanyang pamumuno.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento