Nag-viral online ang birthday post ni Xander Ford, content creator at dating miyembro ng boy group Hasht5, matapos niyang ibahagi ang kanyang kaarawan na ginugol mag-isa. Sa halip na masayang selebrasyon, simple at emosyonal ang kanyang pagbati sa sarili, kalakip ang ilang larawan na kuha habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame.
“Happy Birthday self, mag-isa na naman tayo,” saad ni Xander sa kanyang caption. Hindi ito para magpaawa, kundi para ipakita na minsan, kahit birthday mo, kailangan mo pa ring maging matatag. Kaya sa lahat ng dumadaan din sa ganito—lakasan natin ang loob. Darating din ang panahon natin,” saad ni Xander sa isang follow-up post.
Sa parehong post, inamin ni Xander na wala siyang sapat na pera para maghanda ng kahit simpleng salu-salo.
“Di makapaghanda, wala pera eh. Magtiis muna, kumain ng sardinas,” dagdag pa niya.
Dahil dito, maraming netizens ang naka-relate at naawa, habang ang ilan ay nagpaabot ng suporta at encouraging messages para iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.
Ang karanasan ni Xander Ford ngayong kaarawan niya ay nagpapakita ng realidad na kahit mga public figure ay dumaraan sa matinding pagsubok, emosyonal man o pinansyal. Sa kabila ng lungkot, pinili niyang ipahayag ang katotohanan, na sa panahon ngayon ay mas nararapat pahalagahan ang katatagan at pag-asa kaysa sa engrandeng selebrasyon.
“Hindi sukatan ng tunay na kaligayahan ang handa sa mesa. Minsan, sapat na ang panalangin, lakas ng loob, at pagmamahal sa sarili.” — Xander Ford
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento