Hindi pinalampas ni Diwata, kilalang social media personality at dating kandidato ng Vendor party-list, ang kumalat na larawan nina Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte at actress Yassi Pressman habang bumoboto sa halalan. Sa isang repost na agad naging viral, binatikos ni Diwata si Villafuerte matapos umanong maipakita ang sirang kisame ng isang silid-aralan sa probinsya.
Sa naturang post, makikitang naka-smile pa ang gobernador at ang aktres habang bumoboto. Ngunit sa caption ni Diwata, iginiit niyang mas dapat umanong tutukan ang serbisyo publiko kaysa sa personal na buhay.
“Si mayor, inuna pa landian kaysa ipagawa yung kisame ng school nila,” ani Diwata.
Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens, lalo na sa mga taga-probinsya, na nagsimulang maglabas rin ng mga hinaing tungkol sa kondisyon ng ilang pampublikong paaralan sa Camarines Sur.
Hindi man pinalad sa halalan, muling pinatunayan ni Diwata na hindi hadlang ang pagkatalo para ipaglaban ang tama. Aniya, kung tunay na lingkod-bayan si Villafuerte, dapat ay inuuna ang mga pangunahing problema ng lalawigan gaya ng edukasyon at kaligtasan ng mga estudyante.
“Hindi na ako nanalo, pero hindi ibig sabihin titigil na ako sa paninindigan. Gusto ko lang ipaalala: serbisyo muna bago kilig,” dagdag ni Diwata.
Sa panahong kailangang-kailangan ng aksyon at tunay na liderato, nagsilbing paalala si Diwata na ang posisyon sa gobyerno ay hindi para sa pagpapakilig kundi para sa pagtugon sa pangangailangan ng taumbayan. Ang kanyang matapang na pahayag laban kay Governor Villafuerte ay nagsalamin sa sentimyento ng ilan—na dapat ay inuuna ang serbisyo, hindi ang pagpapasikat o personal na relasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento