Advertisement

Responsive Advertisement

Lorelei Go, Ibinahagi ang Pagkawala ng Tatlo Niyang Anak: "Sabi Ko, 'Bakit Inubos Mo Naman, Lord?'

Lunes, Setyembre 30, 2024

 



Isang emosyonal na kwento ng isang ina ang ibinahagi ni Lorelei Go sa pinakabagong episode ng "Toni Talks," hosted ng kilalang TV host at actress na si Toni Gonzaga. Dito ay ibinahagi ni Lorelei ang kanyang masakit na karanasan ng pagkawala ng tatlo niyang anak dahil sa sakit na liver cancer.


Nagsimula ang lahat nang mapag-usapan nila ni Toni ang tungkol sa unang anak ni Lorelei na pumanaw dahil sa liver cancer. Ayon kay Lorelei, matapos ang unang pagkawala ay agad na nagdesisyon ang kanilang pamilya na magpa-check up upang malaman kung ligtas ang kalusugan ng ibang miyembro ng pamilya.


“After nu’ng nangyari, sabi ni Hasset na kami lahat, magpa-check. Nu’ng nagpa-check up na naman, si Hasset, nakitaan na talagang yung tumor niya, naka-dikit na sa liver,” kwento ni Lorelei, habang pinapakita ang tapang at determinasyon nilang labanan ang sakit.


Hindi pa man lubos na nakakabangon mula sa unang trahedya, muling hinarap ni Lorelei at ng kanyang pamilya ang isang malaking pagsubok nang malaman nilang may liver cancer din ang isa pa niyang anak, si Hasset, dalawang buwan matapos mamatay ang panganay nilang anak.


“2 months after kami nagpa-check,” sagot ni Lorelei sa tanong ni Toni kung gaano katagal bago nila natuklasan ang sakit ni Hasset. Agad namang sinimulan ni Hasset ang kanyang laban, kung saan sumailalim siya sa operasyon upang tanggalin ang tumor sa kanyang atay.


Ayon kay Lorelei, sinabi ng doktor sa kanila na ang atay ay may kakayahang muling tumubo kahit na matanggal ang bahagi nito, kaya't ipinagpatuloy ni Hasset ang kanyang laban. “Tapos sabi ng doctor, ‘Pwede nating tanggalin yan. Kasi sa lahat naman ng part na organ sa katawan natin, yung liver lang ang kahit tinatanggal mo, tutubo.’ Sabi ng anak ko, ‘Oh sige, tutubo naman pala ulit yung liver. Matanggal lang yung tumor.’ So pinatanggal. I think mga 1/4 yata ang natanggal no’n,” pagbabahagi ni Lorelei.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento