Wow! Bea Alonzo Ibinahagi Ang Detalye Ng Pagbabalikan Nila Ni Dominic Roque!

Sabado, Marso 2, 2024

 


Kamakailan lamang, umugong ang mga balita tungkol sa paghihiwalay ng magkasintahang Bea Alonzo at Dominic Roque, na engaged na sa isa't isa, ngunit walang tiyak na dahilan ang ibinigay tungkol sa kanilang paghihiwalay. 


Iba't ibang haka-haka at kuwento ang lumutang mula sa mga tagasubaybay at mga website na tumatalakay sa mga balita sa showbiz. 



Ang kanilang pag-iibigan ay tumagal ng ilang taon bago sila napabalitang nagkahiwalay nitong mga nakaraang buwan. Sa isang panayam kay Bea, inilahad niya ang kalagayan nila noon. 


Sinabi rin ng aktres na muli silang nagkaroon ng komunikasyon ni Dominic at nag-uusap. 




Ayon kay Bea, "we're friends na parang everyday nag-uusap at parang walang nagbago sa amin. He's so special to me and besides, siya ang unang nagfirst move at unang nagmessage sa akin." 


Sa parehong panayam, nabanggit din ni Bea na nagpapakita ng pagsisikap si Dominic na magkaroon sila ng komunikasyon at maisaayos ang kanilang samahan. 



Sinabi niya, "maayos na muli ang relasyon naming dalawa ni Dominic. Nagkausap na kami, kumbaga parang nasa ligawan stage muli kami." 


Ang kanilang mga tagahanga at tagasuporta ay labis na natuwa sa balitang muling nagkabalikan si Bea at Dominic.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento